Chapter. 62

59 9 0
                                    

WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.

Maine POV

Habang nag-mamaneho si Henz. Nakatingin lang ako sa bintana.

"Umiyak ka lang Maine, nandito naman ako" sabi ni Henz

Lumingon naman ako sa kanya.

"Mamaya na lang, baka kasi kapag umiyak ako mauubos pa" biro kong sabi

Natawa naman si Henz sa sinabi ko.

"Bakit hindi mo sa 'kin sinabi na si Tri pala ang boyfriend mo?" Tanong ni Henz

"Ayaw ko pati ikaw masaktan" sabi ko

"Sanay naman ako masaktan" ngiting sabi niya

Tama siya. Kapag kailangan ko ng masasandalan nandiyan si Henz sa tabi ko kailanman hindi niya ako pababayaan at iniwan.

"I'm sorry" sabi ko

"Hindi mo naman kasalanan, natural kapag nagmamahal ka hindi mo talaga maiiwasan ang masaktan" seryosong sabi niya

Tumingin ulit ako sa bintana.

Ilang minuto nakarating na rin kami sa condo unit niya. Pinarada niya ang kotse sa parking lot at bumaba na kami. Naglakad papasok sa loob ng condominium.

Sinundan ko lang siya.

Na makarating kami sa harap ng condo niya. Agad naman siya pumindot ng password at pumasok na kami.

"Gusto mo ba na maiinon?" Tanong ni Henz sa akin

"Beer" sabi ko

"Kailan ka pa natuto uminom ng beer?" Tanong niya

"Nasa Japan pa ako"

"Pumunta ka sa bar?" Tanong niya

"Bumili ako, doon ako uminom sa bahay"

"Bibili muna ako ng tatlong bote" sabi ni Henz

"Isang tray bilhin mo" sabi ko

"Maubos mo 'yon?" Takang tanong niya

"Tayong dalawa ang iinom" sabi ko

"Tumawag ka na lang, ipa-order mo na lang dito" dagdag na sabi ko

"Sige"

"C. R lang ako" sabi ko

"Iyong C. R.."

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin niya na magsalita ako.

"Hahanapin ko na lang" sabi ko

Umalis na ako para hanapin 'yong C. R.

Na mahanap ko ang C. R. Agad naman ako pumasok at tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin.

Magiging maayos din ang lahat. Fighting.

Lumabas na ako sa C. R at nakita ko si Henz na naghahanda ng pagkain.

Nandito na pala ang beer.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko

"Kumain na tayo" ngiting sabi niya

Busog ako. Gusto ko sabihin sa kanya 'yan. Kaso sayang effort niya.

Umupo naman ako sa upuan at nagsimula na kumain.

Mga ilang segundo natapos na ang pagkain namin.

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now