Chapter. 24

87 32 0
                                    

Mitch POV

Nandito kami ngayon sa court sa school.

"Mabuti natakasan natin sina Ken" Lei

"Kung makatakas ka naman, parang sa bilangguan ang nais mong sabihin ah" Nida

"Iyon ba ang pag-kakaintindi mo?" Tanong ni Lei

"Bakit hindi ba?" Tanong ni Nida

"Tama na 'yan pwede ba?" Sigaw ni Rheem

Tumahimik na sina Nida at Lei.

"Share mo naman kung ano ang iniisip mo Mitch" sabi ni Phia

"Iniisip ko kung bakit may nanliligaw sa 'kin?" Tanong ko

"Kasi maganda ka" ngiting sabi ni Phia

"Nililigawan ako, dahil maganda ako" inis na sabi ko

"Maganda lang ba ang dahilan kung bakit ka nililigawan?" Sabi ko

   K   A   T   A   H   I   M   I   K   A   N

Ilang sandali na magsalita si Rheem. 

"Gusto ka ni Ken, 'yon ang dahilan kaya ka niya nililigawan" biglang sabi ni Rheem

Napatingin naman ako kay Rheem.

"Ibig sabihin gusto din ako ni Henz?" Sabi ko

Halatang nagulat si Phia sa sinabi ko.

"Bakit naman nabanggit dito si Henz?" Tanong ni Lei

"Dahil nililigawan niya ako" seryosong sabi ko

"Totoo?" Ngiting tanong ni Phia

"Oo"

"Yieee kailan niya sinabi?" Tanong ni Phia

"Kahapon"

Nagulat sina Lei, Nida at Jai.

"Kwento mo hihihi" sabi ni Phia habang kinikilig

"Nag-pasundo ako sa kay Henz sa parking lot. Kasama ko sina Nida, Lei at Jai. Ang unang bahay na pinuntahan namin 'yong bahay nila Nida. Sunod 'yong bahay nila Lei at Jai"

Nakikinig lang sila sa 'kin.

"Kaming dalawa na ang nasa kotse"

"Pagdating sa tapat ng bahay. Bumaba na ako ng kotse dala dala ang gamit ko. Papasok na sana ako sa gate na bigla niya akong...."

"Hinalikan ka niya yieee" biglang sabi ni Phia

"Patapusin mo muna ako" seryosong sabi ko

"Sorry" sabi niya habang naka-peace sign

"Ayon na nga papasok na ako sa gate na biglang tawagin niya ako. Lumingon ako at ang sabi niya sa 'kin" pagpapatuloy ko

"Liligawan din kita" seryosong sabi ko

"Yieeee" sabi ni Phia habang tumatalon dala ni kilig

Nang sinabi niya sa 'kin kahapon 'yon aminin ko pangalawang bases na kinabahan ako.

Una 'yong kay Neth.

Pangalawa 'yong kay Henz.

"Ang pinag-tataka ko bakit may din'?" Sabi ko

Tumigil na si Phia sa katatalon.

"Ang totoo niyan Mitch, nabanggit kasi namin na may manliligaw ka" sabi ni Lei

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now