Chapter. 21

86 32 0
                                    

Mitch POV

Nandito kami ngayon sa classroom. Wala pang teacher kaya naisipan nila na gawing circle 'yong upuan namin.

1st Rheem
2nd Lei
3rd Nida
4th Phia
5th Jai
6th ako
7th Neth
8th Bry
9th Rence
10th Rienx
11th Cas

* circle 'yan imagine niyo na lang. Basta katabi ni Rheem si Cas.

Iyong mga kaklase namin may kanyang-kanyang ginagawa meron nasa labas, sa canteen at kung saan-saan pa.

Kami naman may kanyang-kanyang din ginagawa.

"Guys" biglang sabi ni Lei

Napatingin naman kami kay Lei. Tinigil namin 'yong mga ginagawa namin.

"Laro tayo" ngiting sabi ni Lei

"Ano naman?" Tanong ni Nida kay Lei

"Truth or dare" sagot ni Lei

Napapansin ko na tingin ng tingin sa 'kin si Neth.

Hindi ba siya napapagod kakatingin sa akin?

Naiilang ako.

"May consequence, kapag hindi ginawa ang truth or dare. Lalagyan ng lipstick 'yong hindi or ayaw gawin 'yong truth or dare. Ang maglalagay sa 'yo ng lipstick is yong nagtanong o nagpapagwa sa 'yo" explain ni Lei

"Para maiba naman" dagdag pang sabi ni Lei

"Kung kanino tumapat ang paa ng bote siya 'yong magtatanong at ang takip ng bote siya 'yong sasagot ng truth or dare" sabi ni Nida

"Game ako diyan" masayang sabi ni Phia

"Game din ba kayo?" Tanong ni Lei

"Game" sagot nila

"Ayoko" biglang sabi ko

Napatingin naman sila sa 'kin.

"Pero Mitch, masaya 'yon" sabi ni Nida

"Kayo lang masaya" sabi ko

"Mitch, ngayon lang ulit tayo maglalaro nito" sabi ni Phia

"Bihara na rin tayo makapag-bonding tapos hindi ka pa sasali sa 'min" sabi ni Rheem

"Hindi ba pwedeng pagbigyan mo kami?" Lei

Hay so I have no choice.

"Okay" tipid kong sagot

"Payag ka na?" Sabi ni Phia

"Okay daw ibig sabihin payag siya" Rheem

"Start na" ngiting sabi ni Nida

Pinaikot na ni Nida yong bote.

Tumapat sakin 'yong takip ng bote. Tumapat naman kay Neth ang paa ng bote.

"Ken" sabi ni Rienx

"Truth or dare?" Ngiting tanong sa 'kin ni Neth

"Truth"

Ayaw ko ng dare, Mahirap na baka humingi na naman siya ng kiss tsk.

"May boyfriend ka na?" Tanong niya

"Wala"

"Bakit wala?" Takang tanong ni Neth

Iyong iba naman naghihintay ng sagot ko.

Akala niya sasagutin ko, Manigas siya.

"Isang tanong lang" seryosong sabi ko

"Sorry naman" ngiting sabi niya

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now