Chapter. 53

68 13 0
                                    

Phia POV

Nalaman namin na hiwalay na sina Mitch at Ken.

Kahit sino sa 'min hindi namin pinag-uusapan ang nangyari.

Ang dami na nag-bago sa mga nag-daan na buwan.

Hindi na kami sumasabay kina Ken sa lunch. Hiwalay ang table namin sa kanila.

Hindi na pinapansin ni Nida si Rienx.

Hindi na lumalabas sina Jai at Bryle.

Sina Cas at Rheem maayos pa rin 'yon nga lang, hindi na sila masyado nag-uusap at mag-kasama.

Si Lei tumaba na.

Ako tumatalino na hahaha.

Si Mitch na sobrahan sa tahimik.

Nalaman na rin namin na hindi pala tunay na mag-kapatid sina Mahal at Mitch.

Kaya pala ang dami niyang tanong sa 'kin.

"Malapit na Christmas" masayang sabi ni Nida

"Excited na ako" ngiting sabi ni Lei

"Saan kayo mag-papasko?" Tanong ni Jai

Nandito kami ngayon sa bahay nila Mitch sa rooftop.

Katatapos lang namin mag-lunch.

Ang sarap kasi mag-luto nina Tita Chie at Tito Ryan.

"Sa bahay" sagot ni Nida

"Sa bahay din" sagot ni Lei

"Same answer" sabi ni Rheem

"Iyon din ang sagot ko" ngiting sabi ko

"Mitch" tawag ni Jai kay Mitch

"Japan" sabi ni Mitch habang nag-babasa

Wala naman binabanggit sa 'kin si Mitch at Mahal.

"Hanggang New year kayo doon?" Tanong ko

"Kaming dalawa lang ni Dad ang pupunta sa Japan. Doon na ako titira at mag-aaral ng kolehiyo" Mitch

"Mitch, iiwan mo kami dito?" Tanong ni Nida

Hindi naman sinagot ni Mitch ang tanong ni Nida.

"Babalik ka dito? Hanggang matapos ka mag-aral ng kolehiyo" tanong ni Jai

"Babalik ako dito, kung kailan ko gusto" Mitch

Attitude ka girl.

Hahaha joke.

Tumayo naman si Mitch habang hawak ang libro.

"Huwag niyo ako susundan sa Japan" sabi ni Mitch agad naman kami iniwan dito sa rooftop

"Kailan ang alis niya?" Takang tanong ni Lei

"Baka' sa araw ng pasko" sabi ni Nida

"Baka' bago mag-pasko" sabi ni Rheem

"Hello ladies" ngiting sabi ni Mahal

Lumapit naman siya sa amin at umupo sa tabi ko.

"Si Mitch pupunta sa Japan, Mahal" ngusong sabi ko kay Mahal

"Alam ko, Mahal" sabi ni Mahal

"Hindi kayo kasama? Si Tito lang ang kasama ni Mitch?" Tanong ni Lei

"Hindi kami kasama, Sasama si Dad kay Mitch papunta doon sa Japan para lang ihatid tapos uuwi na rin si Dad" Mahal

"Kailan alis ni Mitch?" Tanong ni Jai

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now