Chapter. 54

67 13 0
                                    

Maidene POV

Nandito ako sa garden ngayon. Nakahiga sa deck chair.

Time check: 9:30 am

Fake ang Tremaine Young na nandito sa 'min ngayon.

Sisiguraduhin ko na makikita at malalaman namin ni Kuya kung nasaan ang totoo naming kapatid.

Flashback.

Naisip ko na doon muna ako sa rooftop mag-pahinga galing kasi ako kanina sa mall kasama ang mga kaibigan ko.

Habang paakyat sa rooftop na nakita ko si Maine nakatayo at may hawak ng cellphone.

Hindi ako nagpakita at nagtago lang ako.

Agad ko naman na-silent ang cellphone ko at vinedeohan ko siya kahit na nakatalikod sa 'kin.

"Kamusta na 'yong kaaway mo? Kambal ko" sabi niya

Kambal ko? May kakambal siya?

"Hindi namatay sayang" sabi niya na parang nahihinayang

"Hahahahaha"

Nakaramdam naman ako ng kaba sa tawa niya.

Iba ang tawa niya kumpara sa nakikita at naririnig namin.

Parang tawa ng isang baliw.

"Wala na sila ni Ken? Mabuti naman"

Ken?

Isang tao lang ang kilala ko na Ken.

"Mahal na mahal mo talaga si Ken, Sham"

Sham? May kaibigan ako dati Sham ang nickname at may kakambal siya.

Hindi kaya si Shamerolle Robert ang kasama namin ngayon?

*Shamerolle Robert (Sha-meroll Robert)

"Ako kamusta na? Hahahaha ayos lang at tuloy pa rin ang plano"

Kung ganoon plano mo 'to.

"Huwag kang mag-alala, magaling ako magpanggap hindi ako mabibisto"

Bistado na kita.

"Hahahaha"

"Ingat na ingat ako sa mga kinikilos ko, hindi ako sanay sa buhay ni Maine"

Tama nga nag-papanggap ka lang.

"Masyadong mabait kasi ang isang 'yon"

"Hahahaha Oo na, mag-iingat pa rin ako"

"Sus! sige na Kambal ko"

"Kung may ipapagawa ka lang sa 'kin gagawin ko, kahit na ang pumatay"

Naramdaman ko na tumaas ang mga balahibo ko sa takot.

Pumatay. Pumapatay siya?

"Hahahah bye Kambal"

Na save ko na ang video niya at dali-dali naman ako bumaba ng rooftop at pumunta sa kwarto.

Ni-lock ko ang pinto.

Halos hindi ako mapakali sa narinig ko.

Palakad-lakad lang ako sa kwarto.

Baka patayin niya ako dahil alam ko na ang plano niya.

End Flashback.

Hindi alam nina Mom at Dad ang tungkol dito.

Pero sinabi ko na kay Kuya ang tungkol dito sa video.

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now