Mitch POV
Nandito ako ngayon sa kwarto at nakaupo sa study room ko.
Nagbabasa ako ng mga libro, malapit na kasi ang pasukan. Advance reading kumbaga.
Na biglang pumasok sina..
"Mitch swimming tayo" sigaw sa 'kin ni Phia na kasama si Jai
"Kayo na lang"
Palibhasa dito sila pansamantala nakatira sa 'min, kaya araw-araw din ako kinulit ni Phia.
"Ayaw mo?" takang tanong ni Phia
"Ayoko"
"Ayaw mo talaga?" Phia
"Ayoko nga"
Bakit ba ang kulit niya? nakakainis.
"Ayaw mo sure ka?" Phia
"Sure nga"
"Easy lang tayo guys" awat sa 'min ni Jai
Hay! Salamat inawat din.
"Ito kasi si Mitch, eh nagtatanong lang ako eh. Mainit agad ang ulo" tampong sabi ni Phia
"Nagtatanong ka nga paulit ulit naman tsk"
"Naninigurado lang" ngusong sabi ni Phia sa 'kin
"Tsk"
"Tingnan mo Jai, galit si Mitch sa 'kin" Phia
Bakit ba siya nagustuhan at minahal ni kuya?
Mabuti at wala si kuya sa bahay. Paniguradong pagsasabihan na naman ako noon.
"Mitch " sita sa 'kin ni Jai
"Mag-swimming kayo kung gusto ninyo basta ako dito lang sa kwarto"
"Sigurado kang ayaw mo?" Phia
"Phia halikana" hila ni Jai kay Phia
Nag makaalis na sila agad ko naman pinagpatuloy ang pagbabasa.
Mga ilang minuto ang lumipas na biglang tumunog ang cellphone ko.
Cringggg
Agad ko naman ito sinagot
Bold (ako) Italic (Unknown)
"Oh? Sino to?"
"Miss me?"
"Hayop, Sino nga 'to?"
"I miss you"
"Sabog ka ba? Kung wala kang mapag-tripan huwag ako, sinasayang mo ang oras ko sa 'yo"
"At isa pa wrong call ka tuleg"
Agad ko naman binaba ang cellphone ko.
Hindi rin nagtagal tumunog ulit ang cellphone ko at tiningnan ko kung kaninong number.
Iyong sabog na tumawag kanina.
Bold (ako) Italic (Unknown)
"Oh?"
"Hello"
"Sino nga 'to?"
"Nakalimutan mo na agad ako Gail"
"Neth"
"Ako nga wala ng iba pa"
"Saan mo nakuha ang number ko?"
YOU ARE READING
Change with the Reason
Romance[Revision] Sa edad na labing anim ay madaming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin talino, palaban, kagandahan, sexy, singer, at hindi rin siya magpapahuli pagdating sa mga sports. Kasali siya sa dance club at ang pangalan ay "Spice Maiden"...