Chapter. 32

55 10 0
                                    

Mitch POV

"Nakakapagod" sabi ni Bry

"Sobra" sabi ni Vikky

Sabi nila dalawa habang ako naka-headset.

Soundtrip.

"Mitch" tawag sa 'kin ni Tri

Lumingon naman ako.

"Oh?"

"Salamat" ngiting sabi ni Tri

Naninibago talaga ako kay Tri noong una ngumiti siya, pero ngayon ay hindi na nakasanayan ko na kasi ang ngiti niya.

"Ge"

"Psh" sabi naman ng katabi ko si Neth

Napaka-arte talaga ng lalaking 'to.
Akala mo gaganda ang pakikitungo ko sa 'yo Neth. Nagkakamali ka, kahit na girlfriend mo ako ngayon.

Hindi kita mahal.

"Sir Bry, kanino na po bahay ang pupuntahan natin?" Tanong ng driver

Hindi naman sumagot si Bry.

"Sa 'min" sabi ni Vikky

"Sige po ma'am" sabi ng driver

Habang tumatagal paunti na paunti kami.

Mga ilang minuto na ang nakalipas.

Ang nandito na lang sa van ay sina Bry, Tri, Phia, Kuya, Rence, Alli, Neth at ako.

"Gail" tawag sa 'kin ni Neth

Lumingon naman ako sa kanya.

"Pwede bang sa bahay ka na lang namin matulog?" Ngiting sabi ni Neth

"Hindi pwede" seryosong sagot ni Kuya

Tumingin naman si Kuya sa 'min.

"Ikaw ba ang tinatanong ko?" Inis na tanong ni Neth kay Kuya

"Ako ang Kuya ni Mitch kaya kapag sinabi ko bawal, bawal pa rin" Kuya

"Pero ako ang mag-dedesisyon dahil buhay ko naman 'to" seryosong sabi ko

"Pumapayag ka Gail?" Hindi makapaniwalang sabi ni Neth

"Oo" seryosong sabi ko

Ngiting-ngiti naman ang katabi ko.

"Bakit?" Inis na tanong ni Kuya

"Kapag sinabi ko ang Oo, Oo pa rin ang desisyon ko"

"Magkapatid nga kayo" bulong na sabi ni Neth

Ilang minuto na rin ang nakalipas nakauwi na sina Kuya, Phia, Tri at Rence.

Nandito na kami sa harap ng bahay nina Neth at Alli.

Bumaba na rin kami sa van.

"Salamat Kuya Bry" ngiting sabi ni Alli

"Welcome" Bry

"Ingat Bry" sabi ni Neth

"Sige" Bry

Umalis na rin 'yong van.

Pumasok na kami sa bahay nina Neth at Alli.

Nakita ko may isang babae at lalaki sa may sala.

"Mom and Dad" masayang sabi ni Alli

Change with the ReasonHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin