Chapter. 64

58 9 0
                                    

Maine POV

"Ninang, gising"

"Mhie, gising na"

"Queen"

Minulat ko naman ang aking mata at ginala ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko nandito sina Henz, Alice at

Anong ginagawa ni Tri dito?

"Nasaan tayo?" Tanong ko

Wala sumagot sa tanong ko.

"Natatakot ako Ninang" luhang sabi ni Alice

"Huwag kang matatakot, nandito kami hindi ka namin iiwan" sabi ko at pinunasan ko ang luha niya

Tumayo naman ako at nilibot ang bodega.

"Sino sa tingin mo ang may gawa nito? Mhie" tanong ni Tri

"Maine ang itawag mo sa 'kin" seryosong sabi ko

"Kailangan natin makatakas dito" dagdag kong sabi

"Pero paano? Kanina pa namin binabasag ang bintana kaso hindi nababasag" sabi ni Henz

Nakita ko na nakatayo at karga ni Henz si Alice na mukhang natutulog na.

"Mukhang hindi basta-basta bintana lang 'yan" sabi ni Tri habang nakatingin sa bintana

"Makakalabas tayo kapag may isang tao na papasok dito"

"Kapag may pumasok dito tsaka natin isasarado ang pinto, itatali natin siya at tatakpan ang bibig niya"

Nakikinig naman sila sa 'kin. Ngayon ay nakaupo si Henz at nakahiga si Alice sa hita niya.

"Kapag ginagawa natin 'yon, huwag dapat tayo gagawa na anumang ingay"

"Tsaka tayo lalabas"

"Kung may nagbabantay sa labas kailangan natin pag-planuhin 'yon bago tayo lumabas"

Umupo naman si Tri, Sa paanan ni Alice at ako nanatili nakatayo.

"Ako muna ang lalabas. Kapag kumatok ako ng tatlong beses tsaka kayo lalabas"

"Bakit ikaw ang unang lalabas?" Seryosong tanong ni Henz

"Dahil gusto ko"

"Dahil gusto mo? Ako na lang lalabas" sabi ni Henz

"Pagsabi ko, ako na-ako na" seryosong sabi ko

"May magagamit na tayo paghampas sa kanila" sabi ko na makita ko ang malapad na kahoy

"Itabi natin ang malapad na kahoy, baka kuhanin nila o itapon" dagdag kong sabi

Tumayo naman si Tri at tinabi na namin ang malapad na kahoy. Pagtabi namin umupo naman siya sa paanan ni Alice.

"Tri" tawag ko kay Tri

Lumingon naman siya sa 'kin.

"Hangga't maari huwag kang lalayo kay Alice" seryosong sabi ko

Tumango naman siya bilang sagot.

Umupo naman ako sa tabi ni Henz. Hinanap ko naman ang cellphone ko sa bulsa.

"Nasaan ang cellphone ko?" Tanong ko

"Kinuha nila, pati cellphone namin" sagot ni Henz

"Tri, Paano ka napunta dito?" Tanong ko kay Tri

"Pumunta sila sa bahay namin" sabi ni Tri

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now