Ryker POV
Naisipan kong hanapin si Mitch dahil may importante akong sasabihin sa kanya.
Galing ako kanina sa study room niya, pero wala siya doon.
Nasaan kaya 'yon?
Agad naman ako pumunta sa kwarto ni Andrea at kumatok sa pinto.
"Ry (Ray)" ngiting sabi niya
"Ah! Si Mitch ba kasama ninyo?" tanong ko sa kanya
"Hindi" walang ganang sagot ni Phia
May problema ba siya at parang ang lungkot niya.
"Ah sige"
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.
Hay, sorry mahal kung tinalikuran kita.
"Saglit lang Ry" sabi nya
Agad naman ako lumingon na tawagin niya ako.
"Bakit?"
"Pu..mun..ta ka lang ba di..to da..hil hi..na..hanap mo si Mitch?" utal niyang tanong
"Oo"
"Ah sige" agad naman syang tumalikod sa 'kin at isinara na sana ang pinto na tawagin ko siya
Malungkot ba siya?
"Wait"
"Bakit?" takang tanong niya
"Ayos ka lang ba?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya
Malungkot nga siya.
"Oo naman" ngiti niyang sabi
"Good" ngiting kong sabi
Alam kong hindi siya Good hay sana mapasaya ko siya.
Nagsimula na ako maglakad palayo sa kanya.
Habang naglalakad ako nakita ko na may tao sa sala, nakita ko sina Henz, Yssa at Tri.
"Guys " bati ko sa kanila
"Ry"
Agad naman ako umupo sa tabi nila
"Kayo lang ang nandito?" tanong ko
"Oo" sagot ni Tri
"Nasaan sina Rone at si Nate? "
"May date si Nate at si Rone naman hindi ko alam" Henz
"Si Rone sumama kay Tita Amanda sa Batanes" biglang sabi ni Yssa
"Alam na alam ah " biro ni Henz sa kanya
"Tsk tumawag siya kanina sa 'kin"
Napansin ko naman na parang may hinahanap si Henz.
"Mukhang may hinahanap ka Henz?" Tanong ko kay Henz
"Si Mitch" sagot ni Henz
Mitch
"Hindi ko alam kung nasaan si Mitch, kanina ko pa siya hinahanap" sabi ko
Na may biglang nagsalita sa likod.
"Oh! Anong problema at narinig ko ang pangalan ko?"
Agad naman kami ng sitayuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/159513960-288-k835384.jpg)
YOU ARE READING
Change with the Reason
Romance[Revision] Sa edad na labing anim ay madaming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin talino, palaban, kagandahan, sexy, singer, at hindi rin siya magpapahuli pagdating sa mga sports. Kasali siya sa dance club at ang pangalan ay "Spice Maiden"...