Chapter. 65

72 9 0
                                    

Maine POV

Nakatayo sa harap namin ang isang babae.

Alam ko ang hubog ng babae. Katawan pa lang babae na.

Hindi ko siya kilala.

Hindi ko siya makilala kasi may shade siya, naka-mask, naka-sobrero at halos ang suot niya itim. May hawak siyang baril.

"Hindi mo ako nakilala" sabi niya

Pamilyar sa 'kin ang boses niya.

Tinggal naman niya ang shade, sobrero at mask. Hinagis niya sa malayo.

"Mash" gulat kong sabi

"Na buhay ka pa" ngising sabi niya

"Bakit ba baliw sa pag-ibig ang lalaking 'yon?" Tukoy niya kay Dixon

"At hindi ako magawa mahalin kahit na may anak na kami" dagdag na sabi niya

"Nakiusap ako sa kanya, na mahalin ka niya" seryosong sabi ko

"Hahahahaha" tawang sabi ni Mash

Narinig ko na naman ang tawa niya. Nakaramdam ulit ako ng kaba.

Naalala ko iyong sinabi ng lalaki na nag-hatid sa 'min ng pagkain.

"Maganda ka sana, kaso may galit sa 'yo at baliw pa"

Baliw nga siya.

"Nakiusap ba kamo, mas lalo siyang naging mailap sa 'kin na makita ka niya"

"Naging sobrang sungit niya sa 'kin pati sa anak namin"

Nakikinig naman kami sa kanya.

"Wala siyang pakialam sa 'min mag-ina"

"Kung hindi ka sana dumating at nagpakita, masaya na sana ang pamilya na meroon ako"

"Habang nag-papanggap ako bilang ikaw"

"Sobrang saya ko dahil minahal ako ni Dixon kahit na sandali lang"

"At sinamantala ko na hanggang maaga pa"

Patuloy lang kami sa pakikinig sa kanya.

"Tutal mamamatay din kayo aamin na ako"

"Alam mo bang ako ang may kasalanan kaya nawala ang preno ng kotse ni Rheem"

Naalala ko 'yon. Kung hindi ako nakalabas sa kotse sa bangin ang bagsak ko.

"Inutusan ako ni Sham na puruhan kayong magka-kaibigan"

"Gusto ko kayong patayin kaso nga lang siya ang may ayaw"

"Galit siya sa 'yo dahil inagaw mo ang lalaking mahal niya"

"Parehas lang kami ng sitwasyon ng kakambal ko, inagaw mo din ang lalaking mahal ko"

"Sa sobrang tigas ng ulo ko"

"Hindi ako nakinig sa kanya na puruhan lang kayo"

"Kung hindi ka lang martir edi sana lahat kayo patay na"

"Sino ang gusto mong patayin ko?" Ngising sabi niya

"Ito kaya?" sabay tutok niya kay Tri ng baril

"Ito kaya?" Tukoy niya kay Henz na itutok ang baril

"O ito kaya?" Tukoy niya kay Alice na itutok ang baril

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now