Chapter. 61

66 10 0
                                    

Maine POV

Kakatapos lang namin kumain at makapag-kwentuhan sa kanila at sa iba pang bisita.

Nandito kami ni Dhie sa likod ng bahay kung saan kaming dalawa lang ang tao.

Alam kong galit siya sa sinabi ko.

"Bakit matalik na mag-kaibigan ang sinabi mo?" Seryosong sabi ni Dhie

"Dahil 'yon ang tama"

"Iyon ang tama? Boyfriend mo ako hindi matalik na mag-kaibigan" sabi ni Dhie

"Pasensya na, iyon ang tama dahil may dalawang tao na masasaktan sa pagmamahalan natin" seryosong sabi ko

"Alam mo naman kung sino ang tinutukoy ko hindi ba?" Tanong ko sa kanya

"Si Henz at si...." sabi niya na mukhang nag-iisip kung sino ang isa

"Si Lei" sabi ko

"Bakit ba iniisip mo pa ang nararamdaman nila? Hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ko na sinabi mo kina Tito Ryan at Tita Mitchie?" Sabi ni Dhie

"Pasensya na"

Nakikinig naman sa 'kin si Dhie habang ako patuloy lang sa pag-sasalita.

"Dalawang tao ang masasaktan natin"

"Iniisip ko ang nararamdaman nila dahil importante sila sa 'kin, ayaw ko masaktan sila at malaman nila na ikaw ang boyfriend ko"

"Kaibigan mo si Henz at kaibigan ko si Lei"

"Mahal ako ni Henz at mahal ka ni Lei"

"Ako Mhie, hindi ba ako importante sa 'yo?" Seryosong tanong ni Dhie

"Kung hindi ka importante sa 'kin sa tingin mo ba mamahalin pa kita at kasama kita ngayon" inis na sabi ko

Tumayo na ako sa pagkaupo namin sa bench.

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat 'yong pinag-mumukha akong tanga"

"Hindi ako manhid, hindi ako bingi, at mas lalong-lalo na hindi ako bulag"

"Alam kong, alam mo ang tinutukoy ko"

"Meroon kang hindi sinasabi sa 'kin, na ayaw mo ikasisira ng relasyon natin"

Patuloy lang ako sa pag-sasalita habang siya ay nakikinig.

"Ayaw ko mag-limos ng oras sa 'yo dahil hindi ko kailangan ng oras mo"

"Alam mo kung sino ang kailangan ng oras mo?"

Huwag kang iiyak Maine.

"Iyong anak mo at ina ng bata, wala ng iba kung hindi si Lei"

Si Lei na bestfriend ko.

"I'm letting you go, lalo na't may anak ka na"

Ito ang pangalawang beses na sinabi ko ito.

"Mhie" sabi ni Dhie

Aalis na sana ako, Na yakapin ako ni Tri sa likod.

"Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol doon"

"Pero hindi ako sigurado kung akin nga ba 'yon"

Nakikinig naman ako sa sinasabi niya.

"Please Mhie"

"Mahal na mahal kita"

"Kung mahal mo ako, hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon natin" seryosong sabi ko habang nakatalikod sa kanya

Change with the ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon