Chapter: 06

230 90 2
                                    

Alliyah POV

Pagkatapos ng pag-usapan namin ni Rence dali-dali naman ako bumalik sa kanila.

Pagkarating ko.

"Kuya"

Agad naman silang tumingin sa 'kin.

"Ikaw pala Alli, umupo ka na" sabi ni Kuya

Ikaw pala Alli, tsk kinalimutan na ako.

Agad naman ako umupo sa tabi ni Kuya.

Ako Kuya Babaeng Blue

Kumain na rin ako at napansin ko si Kuya pasulyap-sulyap kay white dress (Mitch).

"Ehem! Sino nga pala kayo?" tanong ko sa kanila

Agad naman na patingin sa 'kin 'yong dalawang babae na red at blue.

"Ha?" tanong ni blue

"I said, Sino kayo"

Mabuti naman at hindi ako sinaway ni kuya.

Tiningnan ko si Kuya na pasulyap-sulyap pa rin kay white.

"Ah! Ako nga pala si Andrea Sophia Ramos, Phia ang tawag nila sa 'kin" ngiting sabi na naka blue

"Jaimie Dela Cruz, Jai for short" sabi na naka red

"Mitchelle Gail" simpleng sabi na naka white

"Alliyah Gray Gonzales, Alli for short"

Tinapik ko naman ang balikat ni kuya.

"Siya nga pala si Kenneth Gonzales"

Tiningnan ko naman si Kuya na nakangiti sa kanila.

Napansin ko na busy si white kakakain.

"Nice too meet you nga pala sa inyo" ngiting sabi ni Jai

"Magkapatid kayo?" takang tanong ni Phia

"Oo naman"

"Nice too meet you rin sa inyo, especially Gail"

Magkakilala ba sila?

"Ge" tipid niyang sabi

Pinagpatuloy rin namin ang pagkain.

Hindi rin nagtagal natapos na kami kumain.

"Bye sa inyo" ngiting sabi ni Phia

"Bye"

"Bye Gail, see you" ngiting sabi ni Kuya sa kanya

"Tsk" sagot niya

Agad naman siya naglakad palayo.

"Pasensyahan niyo na lang si Mitch" sabi ni Jai

"Ganoon ba talaga siya? Cold"

"Hindi naman, ganoon lang talaga siya kapag hindi pa close" Jai

"Bye na sa inyo" sabi ni Phia

Agad naman sila sumunod kay Mitch.

Pumunta na rin kami sa parking lot at sumakay na sa kotse, pinaandar na ni Manong 'yong kotse.

15 minutes

Habang nasa sasakyan.

Kanina ko pa napapansin na pangiti-ngiti si Kuya.

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now