Mitch POV
Pangatlong araw ko na dito sa hospital.
"Mitch, Gusto mo ba manood ng T. V?" Tanong sa akin ni Henz
"Ayaw ko" sagot ko
Gutom na ako.
"Gusto mo kumain?" Tanong ni Henz habang nag-aayos na mga pagkain
Mabuti naman at na itananong niya sa akin.
"Oo" sagot ko
"Anong gusto mo kanin, ulam or ako?" Ngiting tanong ni Henz
Bumabanat ba siya?
"Hahahahaha" tawa nila Nate at Rone
"Tipaklong Moves ka na naman" ngiting sabi ni Yssa
Tipaklong Moves?
"Psh!" Sabi ni Tri habang nakatayo at naka cross arm
Lumingon naman kami.
"Ay hahaha" natatawang sabi ni Yssa
"Jealous man" dagdag na sabi ni Yssa
"Apple ang gusto ko" seryosong sabi ko
"Sige Queen" ngiting sabi ni Henz
Queen.
Nagbalat naman siyang ng Apple.
"Hindi na tuloy ang bonding niyo" sabi ni Nate
"Kinausap namin 'yong mga pulis na naka-assign sa nangayari" sabi ni Rone
"Ang sabi sinadya daw 'yon" dagdag na sabi ni Rone
"Basi sa imbestigasyon" seryosong sabi ni Henz
"My Queen" abot sa akin ni Henz ng Apple
Kinuha ko naman iyon. At nag-simula na kumain.
"Alam ko na sinadya 'yon" seryosong sabi ko
"Dahil ang sabi ni Rheem bago siya matulog tingnan niya kung maayos ba ang lagay sasakyan namin na kotse" dagdag kong sabi
"Si Sham ba ang may gawa nito?" Tanong sa akin ni Henz
"Wala kaming ebidensya, kung si Sham nga" sabi ko
"Aasa na lang ba kayo sa imbestigasyon mga pulis?" Tanong ni Nate
"Si Kuya ang aalam kung sino ang may pakana nito" seryosong sabi ko
Natapos na ako sa pagkain ng Apple binigyan naman ako ni Henz ng tubig.
Uminom naman ako.
"Mitch" tawag sa 'kin ni Tri
Tumingin naman kaming lahat sa kanya.
Hindi pa rin nagbago ang pwesto niya simula kanina.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong ni Tri
Nilapag ko ang baso sa table na tabi ko.
"Sige" sabi ko
"Tayong dalawa lang" sabi ni Tri
"Labas lang kami Mitch" paalam ni Yssa
"Psh! Gusto lang masolo si Mitch" sabi ni Henz
"Selos" natatawang sabi ni Rone
Lumabas naman sila sa kwarto at sinarado ang pinto.
Lumapit naman si Tri sa pwesto ko.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Change with the Reason
Romance[Revision] Sa edad na labing anim ay madaming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin talino, palaban, kagandahan, sexy, singer, at hindi rin siya magpapahuli pagdating sa mga sports. Kasali siya sa dance club at ang pangalan ay "Spice Maiden"...