Chapter. 58

65 10 0
                                    

Maine/ Mitch POV

"Bakit nandito ka?" Tanong ni Dad

Lumingon naman ako kay Dad at tumabi sa aking tabi.

"Gusto ko lang po mapag-isa" ngiting sabi ko

"Miss mo na sila Michie?" Tanong ni Dad

"Opo Dad" sagot ko

"Malapit na ang birthday ni Ryker" sabi ni Dad

"Paniguradong magugulat sila dahil nandito ka na" ngiting sabi ni Dad

Napangiti naman ako.

Kamusta na kaya sina Mommy Michie, Daddy Ryan at Kuya Ryker?

Kamusta na kaya sina Nida, Rheem, Jai, Phia at Lei?

Kamusta na kaya sila? Tukoy ko sa iba pa.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ni Dad

"Yes po Dad" ngiting sabi ko

"Na-ikwento ba ng Ate mo 'yong tungkol sa pagpapanggap ni Mash?" Tanong ni Dad

"Opo Dad" sagot ko

"Mag-iingat ka sa kanya" tukoy ni Dad kay Mash

"Dad" sabi ko

Tumingin naman sa 'kin si Dad.

"Si Mash po ang dahilan kung bakit ako naaksidente, kung bakit hindi niyo ako nakasama" sabi ko

"Ano ang ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Dad

"Naalala niyo po ba 'yong huling kita namin ni Mash?" Tanong ko

Tumango naman si Dad bilang sagot.

"Gabi na dumating si Mash sa bahay, tulog na kayong lahat at ako nasa garden dahil hinihintay ko si Dixon. Nag-text kasi si Dixon na may surprise daw siya sa 'kin. Na dumating si Mash ang sabi niya sumama daw ako sa kanya kasi may surprise daw siya sa 'kin. Ayaw ko sana sumama kasi baka hanapin ako ni Dixon. Sumama na ako kay Mash kasi baka magtampo sa 'kin at magalit. Kakaayos lang kasi namin"

"Na lumabas kami ng bahay napansin ko na may taxi na nag-aabang sa 'min 'yon pala ang sasakyan namin papunta doon sa surprise niya. Sumakay kami sa taxi. Habang nakasakay kami tinakpan ni Mash 'yong mata ko. Hindi ko na nagawa tumutol kasi parte daw 'yon ng surpresa niya"

Patuloy lang ako sa pagkwento at nakikinig naman si Dad sa 'kin.

"Mga ilang minuto. Bumaba na kami sa taxi at inalayan ako ni Mash. Umalis na rin ang taxi. Lumakad kami na lumakad. Habang nag-lalakad kami tinatanong ko kung saan kami pupunta. Ang sabi niya Basta may surprise ako sa 'yo. Bukod doon tinanong niya sa 'kin kung may tiwala daw ako sa kanya ang sagot ko Oo"

"Ang sabi niya matutuwa daw ako sa surpresa niya. Patuloy lang kami sa paglalakad habang habang hawak niya ang kamay ko. Na tinggal ni Mash ang takip sa mata ko nagulat ako dahil nasa gubat pala kami. Nakaramdam ako ng takot. Tinanong ko sa kanya na Diba sabi mo may surprise ka? Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Napansin ko na malapit kami sa bangin. Kaya tinanong ko kay Mash na Bakit tayo nandito sa tabi ng bangin? Baka mahulog tayo. Ang sagot niya sa 'kin Ikaw lang ang mahuhulog nasa likod mo na ang bangin. Ang layo ko mula sa kinatatayuan mo ngising sabi ni Mash"

"Lalapit na sana ako kay Mash ngunit pinigilan niya ako pero hindi ako nakining sa kanya tapos sinigawan niya ako. Ang sabi ko Baka mahulog ako dito. Takot na takot ako. Gusto ko na umalis doon. Ngunit hindi ko alam kung na saan kami si Mash lang ang may alam kung na saan kami. Ang sabi ni Mash sa 'kin Ano naman kung mahulog ka? Ang sabi ko Nag-kaayos naman tayo di ba? Ang sabi niya sa 'kin Hindi tayo nag-kaayos, alam mo kung bakit kasi malandi ka. Sinabi ko na wala akong nilalandi sa kanya"

Change with the ReasonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora