Chapter. 20

96 31 0
                                    

Kenneth POV

Nandito kami sa rooftop, kumpleto ang barkada.

Kanya kanyang upo.

"Hay nakakatamad pumasok" sabi ni Rienx

"Isang linggo pa lang naman tayo pumapasok" sabi ni Bry

"Ayos lang 'yan sisipagin din kayo pumasok" ngiting sabi ni Cas

"Palibahasa may inspiration" sabi ni Rienx

"Ang dami mo ngang inspiration" sabi ni Rence

"Hindi mahalaga sa 'kin ang madami, nakatuon lamang ang aking paningin sa isang tao" ngiting sabi ni Rienx

Wew bago 'yon ah.

"Sino?" Sabay sabi nila Cas, Rence at Bry

"Hulaan niyo" ngiting sabi ni Rienx

"Si Lei" sabay sabi nila ulit

"Hindi" sabi ni Rienx habang umiiling

"Sus kung sino man 'yan ang malas niya" sabi ko

"Ang sama mo, support niyo ko" sabi ni Rienx

"Support" sabay sabi namin

"Iyan hahaha" tawa ni Rienx

"Nga pala Ken, magkakilala ba kayo ni Mitch bago magpasukan?" Sabi ni Bry

"Oo nga nahahalata kasi namin" sabi ni Rence

"Iyong maganda, masungit at hindi pala-salita" sabi ni Rienx

Describe pa talaga.

"Oo magkakilala kami" sabi ko

"Paano?" Sabay sabi nila

"Kwento mo" sabi ni Cas

"Sa airport, may nabangga kasi akong lalaki tapos nahulong 'yong cellphone na hawak niya"

"Noon nahulog pinulot at nakita ko, babae ang wallpaper imposible naman na anak hindi niya kamukha, imposible din na asawa or girlfriend niya dahil hindi naman sila bagay"

Nakikinig lang sila sa 'kin.

"Tinanong ko sa lalaki kung sa kanya 'yon ang sabi niya Oo daw"

"Hindi ko muna binibigay may napansin ako isang babae tumatakbo palapit sa 'min sa tingin ko may hinahabol siya"

"So ng decide ako na hindi ko muna ibigay sa lalaki 'yong cellphone"

"May nakita ako dalawang security guard na naglilibot sa airport pumunta ako sa kanila at kinausap ko Sabi ko bantayin nila 'yong lalaki sabay turo ko doon sa lalaki. Hindi muna sila lumapit sa lalaki baka kasi mali ang hinala ko"

"Tapos?" Sabi ni Rence

Napakwento pa ako.

"Habang tumatakbo 'yong babae. Hinarangan ko siya, Nauntog pa siya sa aking dibdib" ngiting sabi ko

"Awkward" sabi ni Bry

"Lahat ba i-kwento ko?" Tanong ko sa kanila

"Kahit hindi" sagot ni Bry

Pinagpatuloy ko na ulit ang pagku-kwento.

"Iyon nga, bakit daw ako humarang? Ang laki naman daw ng daan. Dahil daw sa 'kin kaya nakatakas daw ang snatcher. Pag hindi niya daw nakita ang cellphone niya malilintikan daw ako"

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now