Chapter: 02

399 112 12
                                    

Mitch POV

"Bagay ba 'to sa 'kin?" tanong sa 'kin ni Phia

Sa totoo lang kanina pa 'yan pa tanong-tanong sa 'kin kung bagay ba o hindi.

"Bagay na 'yan"

"Bakit parang di bagay sa 'kin?" nakangusong sabi niya

Agad naman niya hinagis ang hawak niyang dress.

Tsk napakabagal niya pumili.

Ako nga kanina pa nakabihis, ang suot ko naka fitted na dress kulay white at rubber shoes na kulay white rin. Meroon din akong shoulder bag na white.

Kinuha naman ni Phia 'yong isang dress na kulay maroon.

"Ito kaya" taas na sabi ni Phia

Hinagis ulit ni Phia yong dress at kumuha ng bago.

"Kung ito..." agad ko naman pinutol ang sasabihin niya

"Pwede ba ayusin mo nakikihiram ka na nga lang ng dress eh!"

"Hihi sorry naman" naka peace sign sabi niya

"Sandali lang"

"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya

"Basta"

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso ako sa kusina.

Nakita ko sina Nida, Lei at Rheem na tumutulong kay Dad sa pag-hihiwa ng mga lulutuin.

Hinanap ko si Jai sa paligid ngunit hindi ko siya nakita.

"Nasaan si Jai?"

Agad naman sila humarap sa 'kin.

"Si Jai, Hindi ko alam" sagot ni Nida

Tumingin naman ako kay Lei.

"Hindi ko rin alam"

At tumingin ako kay Rheem.

"Same answer" tipid niyang sabi

"Dad, Kayo alam ninyo kung nasaan si Jai?" tanong ko kay Dad

"Katulong ng Mom mo sa pag-bake"

"Sige" sabi ko

Agad naman ako pumunta sa bake room. Habang papunta sa bake room naririnig ko sila nag-uusap.

"Bakit hindi ninyo sinabi kung nasaan si Jai? Eh! Alam naman ninyo kung nasaan" Dad

"Nako! Tito trip lang namin 'yon" Sagot ni Nida

Trip lang? Lagi naman kayong walang pakialam kay Jai eh, hindi ninyo inaalam kung nasaan si Jai kapag hinahanap na kung sino sasabihin ninyo "hindi ninyo alam" kahit alam naman tsk tsk

"Ikaw Rheem?" Tanong ni Dad

"Same answer Tito"

Bakit nga ba kayo ganyan kay Jai?Anong dahilan ninyo?

Nandito na ako sa bake room, agad ko naman nakita sina Mom at Jai.

"Jai"

Agad naman lumingon sina Mom at Jai.

"Oh Mitch"

"Pwede bang pumunta ka sa kwarto ko" sabi ko

"May ginagawa pa ako" Jai

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now