Chapter. 66

88 8 0
                                    

Phia POV

Nakarating sa amin na nawawala sina Maine, Henz, Tri at ang anak ko na si Alice.

"Ano na balita? Nakita niyo na sila?" Tanong ko sa mga pulis

"Wala pa kaming balita Ma'am" sabi ng isang pulis

Nakaupo ako sa sofa at iyak lang ako ng iyak.

Nandito ang lahat nakikilala namin pati ang magulang nina Maine, Henz at Tri.

"Uminom ka muna Mahal" sabi ni Mahal

Agad ko naman ito tinggap at uminom. Nilagay ko na sa table pagkatapos.

Umupo naman si Mahal sa tabi ko at inakbayan ako.

"Mahahanap natin sila, tiwala lang" seryosong sabi ni Mahal

Iyak lang din ng iyak ang Mommy ni Maine, at Mommy ni Henz. Todo alalay naman ang asawa at anak nila.

Mga ilang minuto na ang nakalipas hindi pa rin nila alam kung nasaan sina Maine.

"Hindi namin ma-trace ang sasakyan na ginamit nila sa pagkuha kina Sir Tri, Sir Henz, Ma'am Maine at Ma'am Alice" balita sa amin ng isang pulis

Nakikinig naman kami sa kanila.

"Madaming nakakita kina Ma'am Maine na sinakay silang tatlo sa isang white na van at ang mga kumuha ay mga itim ang suot. Walang ni isa ang tumulong sa kanila dahil ang mga nakakita ay tinutukan nila ng baril at sinabi na Walang susunod, dahil buhay niyo ang kapalit 'yon ang sabi ng isang lalaki"

"Si Sir Tri, naman ay nanonood sa sala ng t.v hindi niya napansin na may tao sa likod niya, pinaamoy siya na pampatulog gaya na ginawa kina Ma'am Maine. Sinakay din siya sa isang white na van at ang mga kumuha din ay itim ang suot"

"Sa aming imbestigasyon, maaring iisang tao lang ang nasa likod nito o suspect at madami siya mga tauhan. Iisa ang brand ng white na van, parehas ang suot ng mga tauhan"

"Ang dami niyong sinasabi" inis na sabi ni Kuya East

"Wala ni isa sa mga sinasabi niyo ang hinihintay namin marinig" dagdag na sabi ni Kuya East

"Inaalam na namin kung saan papunta ang dalawang van na 'yon" sabi ng pulis

"Sham" sabi ni Nida

Tumayo naman ako at lumingon kami sa pinto. Kasama niya si Ken.

"Na balitaan namin na nawawala sina Maine" sabi ni Sham

"Gusto kong tumulong" dagdag na sabi ni Sham

"May alam ka ba na sino ang kumuha sa anak ko?" Luhang sabi ni Tita Daine

"Ang kakambal ko" seryosong sabi ni Sham

May kakambal siya?

Lahat kami nagulat except lang sa pamilya ni Maine.

"Saan namin siya makikita?" Tanong ng pulis kay Sham

Sinabi naman ni Sham ang lugar kung nasaan ang kakambal niya.

"Maghanda na kayo, aalis na tayo" seryosong sabi ng namumuno sa kanila

"Yes Sir" sabi ng isa agad naman sumaludo ang lahat na pulis sa kanya at lumabas na ng bahay

"Sasama ako" sabi ni Mahal

"Samama din ako" sabi nina Nate at Rone

"Ako din" sabi ni Ken, napalingon naman kami sa kanya

Change with the ReasonWhere stories live. Discover now