♕CHAPTER 7♕

3.3K 110 2
                                    

SAMEL LEVI's POV

♕♕♕

Pumasok sa loob ng aking opisina si Hanes at tumingin naman ako sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa'king harapan.

"Na gawa mo na ba ang pinag-uutos ko sayo?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman agad 'to.

"Yes your highness, nailagay ko na po sa inuming alak ang drugs na pinabili niyo mula sa black market," sagot niya at tumango naman ako.

"Mainam, nakahanda na ba ang Duchess?" Muli kong tanong at umiling naman siya.

"Patuloy pa rin po siyang inaayusan ng kaniyang mga katulong," saad niya at napahalukipkip naman ako sabay tingin sa drawer ng table ko.

"Mga bagong katulong ang tatlong nakatalaga sa kaniya ano? Hindi ba nila alam na hindi naman magtatagal ang kanilang bagong Duchess? Hindi pa ba nila alam kung anong sasapitin ni Lucia?" Tanong ko sa kaniya at parang kinabahan naman si Hanes, kung hindi lang matagal na naglilingkod ang matandang ito sa'kin ay baka napugutan ko na siya ng ulo o pinainum siya ng lason.

"Hindi po your highness, ang buong akala po siguro nila ay magsasalo lamang kayo ng gabi bilang bagong mag-asawa," sagot niya at napabuntong hininga na lang ako.

Hinila ko ang unang drawer sa table ko at kinuha ang isang matalim na kutsilyo mula rito, tinignan ko ang dulo nito at sinuri maige kung gano kalalim itong babaon sa katawan ng biktima ko.

"Your highness," nangangatog na tawag ni Hanes sa'kin at tumingin naman ako sa kaniya.

"Ano?" Maikli kong tanong at parang nagdadalawang isip siya sa kaniyang sasabihin.

"Kailangan niyo po ba talaga patayin ang Duchess? Mukha naman po siyang walang alam sa nangyayaring pag-aalsa laban sa Imperial family," sagot ni Hanes habang nakayuko at iniintay na lang tumalsik ang kaniyang ulo sa sahig.

Napabuntong hininga ako at hindi mapigilan matuwa sa kanang kamay ko, sa mga naglilingkod sa'kin, siya lamang itong buong pusong nagsasabi ng totoong nais niyang sabihin kahit na ikamatay niya pa ang pakikialam niya sa mga plano ko.

Si Hanes din ang gumabay sa'kin noong namatay ang mga magulang ko at siya rin ang tumayong kanang kamay ng aking ama. Kaya hindi ko mapatay-patay ang matandang ito kahit na gusto ko na siya pagpahingahin sa mundo.

"Hindi ba't kaya ko sayo pinalagay ang drugs na iyon sa inumin namin mamaya? Para maamin niya ang lahat nang tinatago niya kaya wag ka mag-alala kung mapatunayan kong inosente siya ay baka magbago pa ang isip ko na paslangin siya," sagot ko sa kaniya at wala na siyang nagawa kung hindi tumango na lang sa harap ko at sundin ang plano ko.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko at tinago sa damit ko ang patalim na hawak ko, naglakad ako palabas ng opisina at pumasok na sa emerald room para isakatuparan ang dapat kong gawin.

"Maaari mo na kong iwan dito Hanes, pakisabi sa Duchess na pakibilisan at nag-iintay na ko rito sa emerald room," utos ko sa kaniya at mabilis naman siyang tumango.

"Masusunod po your higness," sagot niya at umalis na sa'king harapan, nagbuntong hininga ako at nahilot ang sintido ng aking ulo.

Bawat kwarto sa loob ng mansyon na 'to ay nabahiran ko na ng dugo ng mga taong pinaslang ko, itong kwarto na lang ng aking yumaong na ina ang hindi ko pa nadudungisan ngunit ngayong gabi, sigurado akong maglalawa ang malapot at mainit na dugo ng Duchess sa lugar na 'to.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon