♕CHAPTER 3♕

4.1K 109 6
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Sa loob ng emperyo ay may tinatawag na peerage system kung saan nakabase sa yaman ng mga aristocrats ang rango na makukuha nila.

Ang pinaka-huli sa rango ay ang commoner, hindi ko alam kung masasabing kasama ba ito sa listahan dahil sila kasi 'yung normal na parte ng isang emperyo.

Sila 'yung mga taong nagtatrabaho para sa Emperor at sa mismong empire ng Ambrosetti.

Ang sumunod sa huli ay ang title ng Baron, sa loob ng emperyo ay may tinatalang sampung baron at kasama ang aking ama sa rango na iyon, ang titolo ng baron ay pawang humahawak sa maliliit na negosyo na nasa loob ng emperyo.

Sumunod dito ay ang Viscount, mas mataas ng isang rango kesa sa baron, pareho naman ng trabaho pero mas malaki ang hawak na kapangyarihan ng mga ito.

Ang Earl naman ang sumunod sa rango, kalimitan sa mga Earl ay mga general at leader ng isang hukbong sandatahan. Sila ang humahawak ng trabaho para protektahan ang buong emperyo.

Pangatlo sa mataas na rango ay ang Marquess, sa parte ng rango na ito mababase ang persyento na maaari nilang makuha ang trono mula sa emperor, sila 'yung malalapit na kamag-anak ng trono at may malalawak na hawak ng kapang-yarihan.

Sumunod sa trono at pinakamalapit na maaring magmana nito ay ang Duke, marami at malawak rin ang hawak ng Duke, maari silang pumasok sa labanan o magpatakbo ng iba't ibang nais nilang negosyo.

At sa loob ng emperyo na ito ay iisa lang ang may hawak sa titulong iyon— walang iba kung hindi si Samael Levi Istvan.

"Maaari na po kayong bumaba milady, nag-iintay na po ang duke para makilala kayo."

Napalingon ako kay Hanes matapos namin tumigil sa isang pinto sa dulo ng mahabang hagdan na ito.

Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto at pinihit ang seredula, halos mapiga ko ang mga kamay ko sa sobrang kaba nang maramdaman ko ang bigat sa loob ng silid na iyon.

Sa dinami-dami ba naman ng trabaho na pwedeng hawakan ng duke bakit tila nasisiyahan pa siya sa ganitong trabaho?

Kung saan madudumihan ang mga kamay niya ng dugo ng mga taong iniinteroga niya.

"Pasok Hanes, magandang araw sayo lady Lucia," bati niya sa'kin habang may suot na gwantes na itim at may hawak na latigo.

Puno ng mantya ng dugo ang puti niyang polo na halos nakabukas sa pangatlong bitones dahil sa init ng silid na ito. 

"Hmmmp! Hmmp!" Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa isang silya, nakatali ang bawat kamay at paa niya habang may busal ang kaniyang bibig.

Puno rin ng sugat ang dibdib nito at kitang kita sa mata niya ang paghihirap at pamamaga nito dahil sa kakaiyak.

Para namang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang senaryo na iyon, na pansin ata ng duke ang pagkatulala at takot sa mga mata ko kaya humarang siya sa harapan ko at tinakpan ang lalaking naghihirap sa likuran niya.

"Wag mo siyang pansinin, mamatay din naman siya mamaya." Maikli niyang tugon at sinenyasan si Hanes.

Hindi ko alam kung anong inutos niya kay Hanes basta alam ko lang ay hindi na magawang humakbang pa ng mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon