♕CHAPTER 10♕

3.4K 111 0
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Habang nakapikit, ramdam na ramdam ko ang sakit na gumagapang hanggang sa tuhod ko, pakiramdam ko ay pinutulan ako ng paa sa sakit na dinaranas ko.

"Hanes! Wala pang dalawang araw nung umalis ako rito sa duchy tapos ganito agad ang mababalitaan ko? Alam mo ba kung anong meeting ang pupuntahan ko?" Rinig kong hiyaw ng isang boses sa loob ng silid, kung hindi ako nagkakamali sa Duke ang boses na 'yun.

Pero bakit ang aga niya naman umuwi? Umuwi ba siya dahil sa nabalitaan niya kung anong nangyari sa'kin?

"Patawarin niyo po ako your grace, na wala bigla ang Duchess nung may kinuha ako saglit," paliwanag ni Hanes at ramdam ko ang takot sa tono ng boses niya.

Minulat ko ang mata ko at pilit na bumangon sa pagkakahiga.

"Madam!" Rinig kong pagkagulat ni Hanes na akala mo talaga ay nakakita ng patay na muling na buhay.

Inalalayan niya ko makaupo habang ang Duke naman ay masamang nakatingin sa'kin, hindi ko alam bakit niya ko tinitignan ng ganoon ngunit alam kong kailangan kong humingi agad ng patawad sa kaniya kung nais ko pang mabuhay.

"Your highness, kasalanan ko po ang lahat," banggit ko sa kaniya at nagulat kaming tatlo nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Sevius.

Napatigil siya saglit nang makita niya kong nakaupo sa higaan at nakatingin sa kaniya. Kitang-kita ko 'yung pagtutubig ng mga mata niya at mukhang hindi na naman mapipigilan ang pag-iyak.

"Sevius, di ba sabi ko sayo hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto mo?" Bungad agad ng Duke sa kaniya pero hindi niya ito inintindi at lumapit sa kaniyang ama.

"Kasalanan ko ang lahat your highness," banggit niya rito at halos magimbal ako nang malakas siyang sampalin ng Duke.

"Alam ko, kaya nga pinagbabawalan kita lumabas sa kwarto mo hanggat hindi mo naiintindihan ang leksyon mo," seryoso at galit na sabi ng Duke sa kaniya pero hindi ko maiwasan na mainis sa pagtrato niya sa sarili niyang anak.

"Your highness, kung nais niyo siyang turuan ng leksyon ay hindi naman tama ang pananakit niyo sa kaniya," sabat ko sa usapan nila na mukhang kinagulat ni Hanes at kinainis ng Duke.

Siguro ito na ang huling pagkakataon ko para mabuhay dahil ngayon kitang kita ko ang galit sa mga mata ng Duke pero hindi ito dahilan para hindi ko siya labanan.

"Madam," awat sa'kin ni Hanes pero tinitigan ko rin ang Duke nang diretsyo at galit na galit.

"Alam mo ba kung bakit siya pumupunta sa abandonadong lugar na 'yun? Alam mo ba kung bakit hindi ka niya tinatawag na ama?" Tanong ko sa Duke at mukhang napaurong siya ng hakbang.

"Wag mong isisi lahat kay Sevius ang mga mali niyang kinikilos, hindi ganiyan magpalaki ng anak ang matino niyang ama," sagot ko at tinawag si Sevius papalapit sa'kin.

"Lucia?" Nagtataka naman na tanong ni Sevius pero pilit ko siyang tinatawag na pumunta sa pwesto ko.

"Duke Samael, hanggat andito ako sa Istvan, hinding hindi niyo pwedeng saktan ang batang 'to," deklara ko ng away sa kaniya na halos ikanganga ni Hanes at ikabigla naman ni Sevius.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon