♕CHAPTER 40♕

2.6K 83 4
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

'Yung malapot na dugo na kumakalat sa buong entablado, 'yung walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa madilim na langit, 'yung leeg niyang sumisirit ng preskong dugo.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayari na 'yun at pakiramdam ko ay hahabulin ako nito sa buong buhay ko.

"Hindi ba't maganda ang palabas? Nasiyahan ka ba?" Tanong niya at malakas ko siyang sinampal habang nakaupo kaming dalawa sa loob ng karwahe at pabalik na sa pinagtataguan niyang lungga.

"Hahaha, Crown prince ka pero hinayaan mong sampalin ka nang maruming babae na 'yan?" Tanong ni Samantha kay Victor at napahawak lang si Victor sa kaniyang pisnge at malalim na nagbuntong hininga.

"Alam mo tumahimik ka na lang d'yan Samantha, dapat pinaputol ko na rin ang ulo mo sa entabladong 'yun eh, tsk," reklamo ni Victor at hinawakan lang ang kamay ko saka ito mahigpit na tinalian.

"'Yan masyado mo na kong sinasaktan, hayaan mo at ikaw ang sasaktan ko mamaya pag nakauwi na tayo," bulong niya sa'kin na nagbigay sa'kin ng kilabot at pandidiri sa sarili ko.

"Pero nakakabigla 'yung ginawa ng espiya mo sa mga huling oras niya ah," natatawang sabi ni Samantha at nasuklay lang ni Victor ang kaniyang buhok sabay salumbaba sa bintana ng karwahe.

"Hindi ko nga rin inaasahan na isusumbong niya ko sa mga huling hininga niya, pero bali wala rin iyon dahil sino ba ang maniniwala sa kaniya?" Sagot ng Crown prince at ngumisi.

"Nakakatawa lang dahil hindi niya pa rin pala kayang talikuran ang amo niya sa huling minuto na natitira sa buhay niya," sabi niya sabay lingon sa'kin at ngiti nang malambing ngunit kilabot ang dulot sa'kin.

"Isang patunay lang na naging mabuting madam ka sa kaniya kaya alam niya sa puso niyang mali ang ginawa niya," paliwanag ni Victor at gustong tumulo ng mga luha ko.

Dahil miske ako, kita ko sa mga mata ni Melinda ang lungkot at pagsisisi niya na tumalikod siya sa'kin, na pinili niya ang bagay na 'yun kesa sa pinagsamahan namin.

"Iba talaga ang asawa ko, kaya alam kong magiging mabuting ina ka sa magiging anak na'tin," sabi niya sabay himas sa tiyan ko at hindi ko mapigilan na mapapikit sa takot at gusto ko na lang tumalon sa labas ng karwahe para lang malayuan siya.

Dahil bawat minuto na kasama ko ang lalaki na 'to ay parang nasa impyerno ako.

"Aaahh!" Nagulat ako sa malakas na sigaw mula sa labas ng karwahe.

"Your majesty! Ang Istvan!" Rinig naming sigaw mula sa labas ng karwahe at bigla na lang tumigil ito sa pag-andar.

Napabalikwas ako nang pagkakaupo at sobrang masayang marinig na andito na si Samael para sunduin ako.

"A-ano 'to?" Tanong ni Samantha at napasilip din ako sa bintasa saka nakita ang mabilis na pagbalot ng usok sa buong paligid at bigla na lang may bumukas ng pinto saka ako mabilis na hinila palabas ng karwahe.

"Lucia!" Sigaw ni Victor at mabilis na nahablot ang kamay ko ngunit bigla na lang siyang sumigaw at nakita ko ang braso kong puno ng dugo.

"Ligtas ka na," bulong ng pamilyar na boses sa tenga ko dahilan para mapaluha ako.

"Sevius, dalian mo at itakas mo ang iyong ina," utos ni Samael at nang unti-unting mawala ang usok ay agad kong nakita si Sevius sa likuran ko na parang maiiyak na nang makita ako.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon