♕CHAPTER 13♕

3.1K 95 1
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Hindi ako makatulog, paikot-ikot ako sa malaki kong kama pero pakiramdam ko sobrang lawak nito at ang lungkot sa pakiramdam.

"Tsk, kung katabi ko lang sana ang Duke," bulong ko at saka ko lang napagtanto kung ano 'yung iniisip ko.

Mahabagin! Nais ko bang makatabi ang Duke? Gusto ko ba siyang makasama ngayong gabi?

"Teka nahihibang na ba ako?" Tanong ko sa sarili ko at agad napabangon sa higaan saka umupo rito sabay gulo sa aking buhok.

Lucia! Nahihibang ka na ba? Kung ano-ano ang iniisip ko tungkol sa Duke at para bang nakalimutan ko na ang pagiging tyrant niya.

Sabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang maging Duchess sa manor na 'to at magtrabaho ayon sa estado ng buhay ko pero bakit ganito ako ngayon?

Nahuhulog na ba ako sa Duke? Pero Lucia! Mag-iisang buwan ka pa lang nakatira sa lugar na 'to! Isa pa pinangako ko sa sarili ko na hindi ako aasa na may magbabago sa pagtingin namin sa isa't isa.

Isa 'tong kasal na ginawa para lang sa kabayaran ng utang namin sa Istvan, kaya ako na rito para bayaran ang utang ng pamilya namin at hindi para mahulog sa Duke.

Ako lang ang talo kung mangyari iyon, dahil alam kong hindi madaling mapalambot ang puso ng Duke.

"Isa pa, alam kong ginagawa niya lang ang mga biro na 'yun dahil kinatutuwa niya."

Mga biro niyang paghingi ng halik o 'yung pang-aasar niya. Hindi naman lingid sa'kin na may gampanin din ako bilang asawa niya at gagawin lang namin iyon pagkailangan o gusto niya.

"Bakit ba iniisip kong magbabago ang tingin sa'kin ng Duke," bulong ko sabay buntong hininga at tumayo para makalanghap nang sariwang hangin.

Binuksan ko ang binta at tumingin sa bilog na bilog na buwan, pagbukas ko ng salamin ng nito ay agad na pumasok ang malamig na hangin mula sa labas.

Napahawak ako sa dalawang balikat ko at pansin na may maliliit na alitaptap na nakapasok sa loob ng silid ko.

Habol tingin ko itong sinundan at natutuwang makita sa loob nang madilim kong kwarto.

Tumingin ako sa hardin at nakita ang maraming alitaptap na nagkalat sa buong paligid.

"Wow," bulalas ko at hindi mapigilan na kunin ang balabal ko at lumabas ng aking silid. Pagkapit ko ng seredula ng pinto ay tumambad sa'kin ang mahabang pasilyo na walang katao-tao.

Napalunok ako habang binabaybay ko ang daan palabas ng manor at halos anino ko lamang ang aking kasama habang naglalakad sa tahimik at mahabang pasilyo na 'to.

Bigla ko tuloy natandaan 'yung kwentuhan nila Rosana at Sasha nung nakaraan habang tinatakot nila si Melinda, sabi nila tuwing gabi raw ay may nakikita silang anino tuwing pupunta sila sa banyo o silid palikuran.

Umakyat tuloy ang takot sa katawan ko at napaisip, bakit ko nga ba naisipan na lumabas ngayon gabi?

Napalunok ako at gusto ko sana lumingon para bumalik ulit sa kwarto ko pero malayo na ko roon kaya imbes na takutin ko ang sarili ko ay mabilis na lang ako naglakad papunta sa hardin.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon