♕CHAPTER 1♕

5.2K 131 2
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

TAON 1635
AMBROSETTI EMPIRE

Sinuklay ko ang hanggang bewang kong buhok, itinirintas ito at pinaikot sa taas ng aking ulo.

Napatingin ako sa salamain at inayos ang kasuotan ko, isang simple damit na bagay sa pagtatanim ko ng mga bulaklak sa aming hardin.

"My lady, handa na po ang umagahan niyo." Pumasok siya sa loob ng aking silid at halatang pabalang niyang inayos ang mga pagkain ko sa ibabaw ng mesa.

Hindi na ko nagtataka kung ganito ang pakikitungo niya sa'kin bilang lady niya dahil sino nga ba ang nais pagsilbihan ang isang anak ng Baron na palubog na ang yaman?

Dito sa Ambrosetti ay may sampung baron na namamalakad sa bawat distrito ng emperyo, kaming house Sullen ang nag iisang pamilya ng baron na nakatira sa liblib na lugar at puno ng taniman.

May sakahan kami at pagawaan ng harina, nagbebenta rin kami ng mga baboy at baka saka iba pang mga pananim na tumutubo sa lupain namin. Ngunit dahil may dumaan na bagyo at ang manor namin ang pinaka na tamaan ng trahedya ay medyo hirap kaming bumawi sa kalakalan ng emperyo.

Ngayon ay ika-tatlong taon na namin na halos gumapang na kami sa hirap para lang maipagpatuloy ang negosyo ng aking ama.

Isa-isang nag aalisan ang mga trabahador at mga katulong namin sa mansyon, ang manor ay patanda na nang patanda dahil sa walang nag-aalaga rito at hindi namin kaya ang pangalagaan ito dahil sa may mas kailangan pa kami paglaanan ng pera.

Iyon ay ang mga pananin at ang pag-aaral ng tatlo ko pang kapatid na lalaki, kaya hindi ko magawang magtanim ng sama ng loob sa mga kasambahay namin na nagtitiis na lang sa maliit na sahod kapalit ng pagtulong nila sa'ming pamilya.

Napatingin ako sa inihanda niyang pagkain, isang corn soup at isang tinapay, napangiti ako at umupo na lang sa harap ng hapag-kainan. 

Kailan ba noong huli akong nakatikim ng karne? Tatlong taon? O apat? Hindi ko na mabilang at tingin ko kung makakain man ako ay hindi na mawawala ang lasa ng paulit-ulit na pagkain ko ng sinabawan na mais na 'to.

Mabilis ko na lang itong kinain at umalis na para tumulong sa lupain, ngayon ang araw ng anihan namin ng palay, sana umabot sa singkwentang sako para naman mabawi namin ang puhunan na pinaghirapan namin.

"Ate Lucia!" Napalingon ako sa bunso kong kapatid na si Laurio, mukhang kakatapos lang niya mag umagahan at handa na para makinig ng pangangaral ng kaniyang guro.

"Galingan mo ah! Dapat mataas ang marka mo para ikaw na ang susunod na magpapalago ng sakahan na'tin," sabi ko sa kaniya saka ko tinupi ng bahagya ang mga tuhod ko para mapantayan siya.

"Opo ate! Ingat ka rin sa sakahan!" Masaya niyang sabi sabay halik sa mga pisnge ko, mabilis siyang tumakbo papunta sa kaniyang guro at kumaway sa'kin.

Napangiti ako, hindi talaga ako magsasawa na makita ang kapatid ko, sana lang ay mabisita ako nila Lucas at Lorenzo bago man lang ako umalis sa mansyon na ito.

Dahil kahit hindi nila aminin sa'kin ang katotohanan ay alam kong wala na kaming iba pang paraan para takasan ang duke ng Istvan.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon