♕CHAPTER 33♕

1.9K 63 2
                                    

SAMEL's POV

♕♕♕

Nahilot ko ang aking noo habang nakatingin sa mga papel na nakabalandra sa'king harapan, tumingin ako kay Hanes at parang kabadong-kabado siya sa sasabihin ko matapos kong mabasa ang report ni James.

"Bakit mo pinagtatakpan ang Duchess?" Tanong ko kay Hanes habang nakayuko siya sa harap ko at kitang-kita ng mga mata ko ang malinaw na sulat ni James sa papel na nagsasabi ng bawat galaw ng asawa ko.

"Alam ko kasing hindi sinasadya ng Duchess na bumaba sa lugar na 'yun your grace," depensa niya naman at ayon naman sa na basa ko ay tama ang sinabi ni Hanes.

Ang crown prince ang nag-aya na pumunta sa bahaging iyon ng manor na tila ba ay alam niya kung ano ang tinatago ko.

Lingid sa kaalaman niya ay matagal ko nang pinagmamatyagan ang galaw ng Duchess sa tulong ng personal guard ko na si James.

Patago niyang sinusundan si Lucia tuwing lalabas at papasok ito ng manor kaya tuwing katapusan ng linggo ay nababasa at nalalaman ko ang report tungkol sa mga ginagaw niya.

"Alamin mo kung sino ang pinasok na daga ng crown prince sa manor na 'to," utos ko kay Hanes at agad naman siyang tumango.

"Yes your grace masusunod po," sagot niya at bago pa siya lumabas ng pinto ay muli siyang bumalik sa harap ko na pinagtaka ko.

"Ano na naman ba 'yun Hanes?" Tanong ko sa kaniya at napayuko siya.

"Your grace, sana kahit anong mangyari ay wag niyong sasaktan ang Duchess, ayokong magsisi kayo sa mga gagawin niyong hakbang," sagot niya sa'kin at napabuntong hininga lamang ako.

Tingin ko hindi ko kayang gawin iyon kay Lucia at alam kong hindi ko rin kakayanin, ngunit kung mapatunayan ko na niloloko niya lang ako at isa siyang kakampi ng Imperial Family ay hindi ko pwedeng iisang tabi ang misyon ko, hindi ko pwedeng unahin ang nararamdaman ko.

"Sige na lumabas ka na at dalian mong tapusin ang misyon mo," utos ko sa kaniya at yumuko siya sa harap ko sabay lakad nang mabilis palabas ng opisina.

Napabuntong hininga ako at napasandal sa upuan saka ako tumingala at napatitig sa kisame.

Kakagaling ko lang sa kwarto ni Sevius dahil sa nag-aalala ako sa kalagayan ng anak ko ngunit nung makwento niya ang ginagawang pagpuslit ng pagkain ng lady in waiting ni Lucia ay halos magulo na ang isip ko.

Ayon kay Sevius ay nakita niya si Sasha ang lady in waiting ni Lucia na pumupuslit ng pagkain papunta sa east wing, akala niya nga ay doon nagmemeryenda ang kaniyang ina ngunit hindi, dahil ni isang araw ay hindi lumalabas si Lucia dahil sa trabaho na binibigay ko sa kaniya.

Tinambakan ko siya ng mga dokumentong kailangan niyang asikasuhin para hindi siya makialam sa mga plano ko, alam ko rin na palihim niyang dinadalaw si Samantha sa kulungan niya at kinakausap 'to.

Hindi lingid sa'kin kung gano kasama at katuso ang dila ni Samantha, kaya naman hanggat maaari ay nilalayo ko si Lucia sa kaniya.

Kung pwede ko lang sabihin kay Lucia lahat ng plano namin na pag-aalsa para hindi na siya magtaka at mag-isip pa ng ibang bagay ay ginawa ko na, ngunit malaking taya ito sa plano na gagawin namin ng Duke ng Harridan.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon