♕CHAPTER 32♕

2.2K 65 8
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Natulog ako sa tabi ni Sevius at buong magdamag siyang binantayan sa sakit na umaatake sa kaniyang katawan.

Kahit na binigyan na siya ng gamot ng doktor ay hindi bumababa ang lagnat niya nitong gabi at halata sa mukha niyang iniinda niya maige ang sakit.

Hindi ko maiwasan mag-isip kung pano nila nagagawang painumin si Sevius ng ganoong uri ng lason?

Tradisyon kamo? Sinong habag ang kaluluwa na papainumin ang siyam na taong gulang ng isang nakakamatay na lason?

Wala akong pakialam kung ginawa na 'yun ng bawat panganay na anak ng Istvan ngunit hindi ko hahayaan na ipainum 'yun sa kahit sino man sa magiging pamilya ko sa bahay na 'to.

Kung hindi pa ko dumating ay hindi pa nila itatawag ng doktor si Sevius at buti na lang naagapan pa dahil ngayon umaga ay nagkakaroon na ng kulay ang labi at pisnge niya hindi katulad kagabi na kulay lila na ang mga ito.

Halos masapo ko ang noo ko habang tinitignan ang itsura ng anak ko, alam ba 'to ni Samael? Bakit niya hinahayaan na uminum ng ganitong lason si Sevius sa murang edad?

Kahit na sabihin pa nila sa'kin na magbibigay ng lakas ito kay Sevius at hindi na siya matatablahan ng ano mang lason ay hindi pa rin ako makakapayag.

Pero kung iisipin, dinanas din ba ito ni Samael? Umiinum din ba siya nang nakakamatay na lason noong bata pa siya?

Napatingin ako kay Sevius at doon ko nakita na pareho silang biktima sa madilim na sistema ng pamilya nila.

Hinaplos ko ang buhok ni Sevius at bumangon na para tumawag ng katulong para mabigyan ng makakain ngayong umaga ang young master.

Naglakad ako pabalik sa kwarto ko nang masabi ko sa personal maid ni Sevius ang ihahandang pagkain sa kaniya at nagbilin din ako na hayaan na muna siya matulog dahil hindi ko siya papapasukin ngayon araw.

Pagbalik ko sa kwarto ay naligo ako at naghanap ng susuotin ko, kailangan kong makausap si Samael tungkol sa bagay na 'to at isa pa may mga bagay pa rin siyang nililihim sa'kin.

Kahit sana unti-untiin niyang aminin sa'kin ito hindi 'yung ginagawa nila akong bulag para lang hindi ko malaman ang mga bagay na tinatago nila.

Pilit ko naman iintindihin lahat ng sikreto ng pamilya na 'to basta sila mismo ang magbubukas sa isipan ko hindi iyong ako pa mismo ang isa-isang nakakabisto ng mga sekretong iyon.

"Madam, humihingi po ng damit ang babae sa ilalim ng tore," bulong sa'kin ni Sasha habang sinusuklay ang aking buhok.

Inutusan ko kasi siyang magdala ng pagkain sa pangalawang Duchess na nakakulong sa under ground dungeon ng Istvan.

Patago siyang pumupunta rito tuwing hapon kung saan wala nang mga knight at squire na nagte-training sa east wing.

"Hindi siya pwede bigyan ng damit dahil mahahalata nila kung sakaling nakapagpalit siya ng kasuotan," mahina kong sagot kay Sasha at tumango naman siya, pansin kong kabado si Sasha sa sikreto na ginagawa namin kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Sasaluhin ko lahat pag may nakaalam kaya wag ka mag-alala Sasha," sabi ko sa kaniya at napatingin siya sa'kin mula sa salamin.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon