♕CHAPTER 34♕

2.1K 75 3
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Nang makapasok kami sa kwarto ay agad niya kong binitawan at sa sobrang lakas ay muntikan na kong mapaupo sa sahig.

Agad niyang nilagapak ang pinto at napasandal dito sabay sabunot sa kaniyang buhok at hawak sa kaniyang noo.

Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya pati na rin sa bawat kilos na ginawa niya sa harapan ko. Gusto ko magsalita pero kinakabahan ako na baka saktan niya na naman ako o baka may gawin siyang ikakapahamak naming dalawa.

Tahimik lang akong nag-iintay sa sasabihin niya at narinig ko siyang nagbuntong hininga sabay malakas na sinuntok ang pinto.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo!" Sigaw niya at napayuko ako, kabadong matikman ang galit niya.

Dahil alam kong namakialam ako sa mga bagay na ayaw niyang galawin ko, pero kailangan kong patakasin ang babae na 'yun dahil kahit saan mo tignan mali pa rin ang ginawa niya.

"Samael," tawag ko sa pangalan niya at marahan na humakbang palapit sa kaniya.

"Patawarin mo ko," bulong ko at aabutin sana ang balikat niya pero mabilis niyang hinablot ang braso ko at hinala ako papalapit sa kaniya.

Hinawakan niya ang dalwang pisnge ko gamit lang ang malaki niyang kamay at halos mapiga niya na ang mukha ko sa kaniyang galit.

Unang beses kong makita sa mga mata niya ang matinding galit na may halong pagkadismaya at lungkot.

Tumahimik lang ako at inintay ang gagawin niya sa'kin nang bigla niyang hinalikan ang labi ko nang marahas.

Napapikit ako nang mariin at hindi na namg laban pa sa mga halik niya, pero sobrang bilis lang nito at agad niya ring pinutol sabay yuko sa harap ko.

"Hinalikan ka ng hayup na 'yun no?" Tanong niya sa'kin at maharan niyang binitawan ang mukha ko habang kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

Tumango ako at hindi ko mapigilan maiyak, nang maalala ko ang mga minuto na 'yun ay muling umakyat ang takot at pandidiri sa katawan ko.

Kung papapiliin ako ay mas pipiliin kong makitang magalit si Samael sa'kin kesa sa halikan ako ng crown prince.

"Ginusto mo? Bakit siya na rito sa Istvan? Pano niya nalaman na wala ako?" Tanong niya at maiyak-iyak kong inamin lahat sa kaniya.

"Na basa ko kasi sa isa sa mga lihim niya na kahit ano raw problema ay tutulungan niya ko, kaya humingi ako ng tulong sa kaniya," paliwanag ko sa pagitan ng mga hikbi ko at ako naman itong hindi makalma na parang batang nagsusumbong sa harap ng magulang niya.

"Natakot ako, natakot akong palayain 'yung pangalawa mong asawa na nasa ilalim ng tore! Natakot ako at nagagalit sayo kasi may bagay kang ginagawa na katulad n'un! Kaya na banggit ko na umalis ka, humingi ako ng tulong sa kaniya at hindi ko inaasahan na pupunta siya sa Istvan para gumawa ng kumosyon at kunin iyon na pagkakataon para patakasin si Samantha," paliwanag ko sa kaniya nang walang preno at hindi rin tumitigil ang pagluha sa mata ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero kahit ano pa man iyon ay tatanggapin ko basta ay mapatawad niya lang ako.

"Wala na kong pakialam sa babaeng 'yun, ang tanong ko ay may namamagitan ba sa inyo ng crown prince! Bakit ko kayo nahuli sa ganoong posisyon!" Sigaw niya at agad akong tumingin sa kaniya nang diretsyo at hindi ko alam bakit ako itong nagagalit sa kaniya.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon