♕CHAPTER 12♕

3.2K 99 2
                                    

SAMAEL's POV

♕♕♕

Kakaiba si Lucia sa mga babaeng nakilala ko, kahit sabihin na wala pang isang buwan nung una ko siyang makita at makasama.

Sa mga mata niya nalalaman ko ang totoong pakay niya at bawat titig niya sa'kin ay alam kong totoo ang mga sinasabi niya.

Katulad ngayon, ngayon na namumula ang mukha niya at sobrang bilis mabasa nang tumatakbo sa isipan niya.

Ito 'yung bagay na kinatutuwa ko sa kaniya, hind ko rin alam kung bakit pero tuwing inaasar ko siya sa mga ganitong bagay ay nagbibigay sa'kin ng saya ang ekpresyon na ginagawa niya.

Siguro dahil siya pa lang ang unang babaeng nakilala ko na walang ibang tinatago sa'kin, 'yung tipong pamumula pa lang ng mga pisnge niya ay alam kong inosente na siya, hindi katulad ng na una at pangalawa kong asawa na halatang inaakit ako para may makuhang bagay sa'kin.

Sa kaniya, kahit simpleng tingin niya lang sa'kin ay hindi ko maiwasan na mahalina sa kaniya.

"Your grace, hindi ko alam kung anong binabalak niyo pero hindi ba't bilang ama niyo sa kaniya ay dapat gawin niyo 'yun nang walang kapalit?" Matapang niyang tanong at hindi ko makakaila na tuwing sinasagot niya ko nang direkta ay napapahanga at nagugulat niya naman talaga ako.

"Pero hindi ba't bilang asawa ko ay karapatan ko rin makahingi ng halik sayo?" Tanong ko sa kaniya at biglang niya ko pinanlakihan ng mata na tila ba ay gulat na gulat.

"Hmm kailangan ba na ngayon din mismo your grace?" Tanong niya sa'kin at napangisi ako dahil halatang nahihiya siya sa gusto kong mangyari.

"Hindi ba't mas maganda rito dahil tago ang lugar na 'to?" Tanong ko sa kaniya at lumingon siya sa paligid sabay tingin sa'kin.

Pumikit siya nang mariin sa harap ko at tumingkayad nang kaunti.

Na gulat ako dahil iniintay niyang halikan ko siya imbes na ako ang halikan niya kaya hindi ko mapigilan na matuwa at titigin ang mukha niyang nakaharap sa'kin.

Nakapikit siya at parang kinakabahan sa bawat minuto ng pag-iintay niya sa'king labi.

Hindi ko alam bakit tila inaaya rin ako nang mapupulang niyang labi para halikan ko siya kaya naman inabot ko ang leeg niya at tumungo para maabot ang labi niya.

"Lucia!"

Pareho kaming nagulat nang biglang lumabas si Sevius sa harap naming dalawa at hinawakan ang kamay ni Lucia, kumunot ang noo ko dahil sa pagkaudlot ng halik naming dalawa at hindi mapigilan na tignan nang masama ang aking anak.

Nakita ko siyang masamang nakatitig sa'kin sabay dila sa harap ko nung hindi nakaharap si Lucia sa direksyon niya.

"Aba't—"

"Lucia! Bakit ka rito nagtatago tara may alam akong pwesto para pagtaguan na'tin!" Sabi ni Sevius at pilit na nilalayo sa'kin si Lucia na akala mo naman ay aagawan ko siya ng laruan.

"Ah eh, sige," hindi niya alam ang sasabihin niya dahil saming dalawa ni Sevius at hinayaan na lang siya hilahin ni Sevius kung saan.

Napailing na lang ako at na suklay ang buhok ko sa pagkabitin ko sa halik na 'yun.

Hindi naman sa gusto ko talagang halikan siya, siguro mas gusto kong asarin siya pero bakit ganito?

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon