♕CHAPTER 39♕

2.3K 76 1
                                    

SAMAEL's POV

♕♕♕

Nakatingin ako sa mapa at pinag-aaralan ang bawat daan at lagusan sa buong emperyo na maaari nilang daanan at taguan. 

"Nick, anong report tungkol sa mga karwahe na dumaan sa bawat daan kanina? May na pansin ba silang kakaiba?" Tanong ko sa isa pang kawal na naiwan sa manor, hawak niya ang isang libro at binabasa ang bawat report na kaniyang nakuha sa loob ng isang oras.

"Ayon po sa iba pang mensahe ay may dalawang karwahe ang na pag-alaman na galing malapit sa kagubatan papunta sa piyer, isa po rito ay pumunta ng bayan at ang isa naman ay umikot patungo sa kanluran," paliwanag niya habang binabasa ang mga report na hawak niya.

Napatingin ulit ako sa mga daan na pwedeng lusutan ng Crown prince, maaaring nanatili siya malapit sa gubat kung saan may mga lumang kastilyo at pwede rin naman siyang magtago sa royal palace at doon gawing hostage ang asawa ko.

Isang oras na ang nakakalipas at hindi ko na kaya mag-intay pa ng balita sa bawat galaw ng karwaheng aming minamatyagan.

"Magpadala kayo ng isang hukbo papunta sa royal palace ngunit bantayan niyo ang mga sarili niyo at wag na wag kayong magpapahalata sa mga royal guards," utos ko at agad naman siyang sumaludo.

"Isa pa, kami ang magbabantay sa bawat lagusan na pwedeng labasan ng karwahe na 'to," Turo ko sa daan papasok ng plaza at central. 

"Squad three sumama kayo sa'kin at tayo ang magbabantay sa daan papuntang plaza, maghahanda ako ng pain sa kanila," utos ko at bawat heneral ng grupo at sumaludo sa'kin.

"Your grace," katok ng isa pang kawal at tumango ako sa kaniya bilang hudyat.

"Sige, ihanda na ang pagbitay sa espiya, gusto ko 'yung kitang-kita ng lahat ang mangyayari sa kaniya," utos ko at tumango siya sabay ngisi ko.

Akala mo siguro Victor ay matatakasan mo ko, iniisip mo na pag-isinuplong ko ang kasabwat mo sa royal palace ay hindi sila maniniwala sa lahat ng akusasyon ko.

Kaya naman ginamit ko ang iba pang dahilan para mas madiin pa ang espiya mo at hindi makaangal ang emperor sa pagbitay ko sa kaniya.

Sa loob ng emperyo, lahat ng bagay ay dadaan muna sa hatol ng emperor. Bumili ka ng lupa, sumakop ka ng kapangyarihan ng iba, magpakasal ka at miske ang pagpatay mo ay kailangan alam niya.

Kaya bago ko mapabitay ang isang katulong ay kailangan itong dumaan sa isang interogasyon, isang hearing sa pagitan ko at ng may sala.

Ngunit alam kong hindi papayag ang emperor na madawit ang pangalan ng kaniyang anak sa isang kumosyon na katulad nito, kaya naman ang pinalabas kong kasalanan ng katulong ay ang pagnanakaw nito sa Istvan.

Madaling pumayag ang emperor dahil sa hindi niya ko pwedeng kalabanin sa isang krimen na nangyari sa loob ng Istvan, kaya naman agad siyang pumayag at ito ngayon, isang oras bago ang pagbitay sa plaza.

Nakasalumbaba ako at tinignan ang panyong na iwan ni Lucia sa loob ng karwahe, hinawakan ko 'to nang mahigpit sabay tingin ko sa mga kawal at agad silang inutusan na isagawa na ang plano.

"Dalhin niyo siya sa gitna at gusto kong makita ng bawat mamamayan ng Ambrosetti kung pano magalit ang Istvan,"  utos ko at tumango naman sila.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon