♕CHAPTER 23♕

2.8K 74 3
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Kanina pa tumatakbo sa isip ko kung ano 'yung bagay na tinutukoy ni Samael kanina nung sinalubong namin ang crown prince.

Ngayon ay nag-uusap pa lang sila sa opisina ni Samael at mukhang kakain muna ng tanghalian niya ang crown prince kaya bilang ina ng tahanan na 'to ay inintindi ko rin maigi ang mga inihandang pagkain dahil sa kahihiyan sa Istvan kung hindi magiging masaya ang sino mang magiging bisita namin.

"Hanes ayos na ba ang lahat ng preperasyon? Anong oras ba sila matatapos sa pag-uusap na 'yun?" Tanong ko kay Hanes na abala sa mga pag-uutos sa kusina.

"Hindi na magtatagal ang pag-uusap nila Madam, mukhang saktong tanghali ay lalabas na sila sa opisina ng Duke," sagot naman ni Hanes at tumango naman ako.

Kinakabahan ako sa kung anong pinag-uusapan nila ng crown prince at baka mamaya pagsimulan pa ito ng away ngunit kinalma ko na lang ang sarili ko at nagtiwala sa kung anong gagawin at sasabihin ni Samael sa harap ng crown prince.

"Madam papunta na po ang crown prince at ang Duke sa dinning area," anunsyo naman ng isang butler at tumango naman ako saka inutos na ilabas na ang mga pagkain at dalhin ito sa hapag-kainan.

"Mom, kailangan ba talaga na'tin sumabay sa pagkain sa crown prince na 'yun?" Tanong ni Sevius sa'kin na kanina pa nag-iintay sa labas ng maids quarter.

"Kailangan eh, pilitin mo na lang kumain kahit na nakakawalang gana kasabay ang crown prince hehe," bulong ko sa kaniya at natawa rin siya.

Siguro kaya nakatagal din ako sa Istvan dahil isa rin akong maldita na babae at iisa lang ang kinaiinisan naming tao.

"Pero Mom, kailangan ba talaga na ikaw ang kasama niyang ngayong araw? Ano bang iniisip ng crown prince na 'yun? Hindi niya ba alam na may asawa ka na," iritable niyang tanong habang naglalakad kami papunta sa dining area.

"Sa totoo lang hindi ko rin alam sa lalaking 'yun, baka wala lang siyang magawa at ako lang itong naisipan niyang istorbohin," sagot ko naman at napasimangot na lang si Sevius.

"Kung pwede ko lang itarak sa dibdib niya ang kutsilyo na gagamitin ko sa pagkain mamaya ay baka pagplanuhan ko nang gawin ang bagay na 'yun," sabi niya at napatigil ako sa paglalakad dahil sa gulat.

"Sevius? Anong sabi mo?" Tanong ko sa kaniya at parang kinabahan siya, napaiwas siya ng tingin sa'kin at hindi man lang binawi ang kaniyang sinabi.

"Kahit sinong tao ay mahalaga ang buhay sa mundo kaya wag mo nang tangkain pa na sumunod sa yapak ng Duke, kita mo ngayon nagbabago na ang iyong ama kaya sana iyon na lang ang bagay na tularan mo sa kaniya," paliwanag ko at hindi ko alam kung may karapatan ba kong pagsabihan si Sevius o kung nais niya bang marinig ito galing sa'kin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na manghimasok sa buhay niya.

Ayoko kasing magsisisi siya sa huli katulad ng Duke ngayon.

"Naiintindihan ko Mom, sorry," sabi niya habang nakayuko sa harap ko kaya napangiti ako at bahagyang tinupi ang tuhod ko sabay gulo sa buhok niya.

"Hanggat alam mong mali ang ginagawa mo ay mapapatawad kita Sevius, kaya ano? Tara na?" Tanong ko sa kaniya at inangat niya ang kaniyang tingin sabay ngiti sa'kin.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon