♕CHAPTER 26♕

2.5K 81 3
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Nakasakay kami sa loob ng itim na karwahe habang papunta sa lugar na nais puntahan ng Duke, pamilyar sa'kin ang daan na ito dahil dito ako dumaan noong unang punta ko sa Istvan.

"Madadaanan ba na'tin ang Sullen?" Tanong ko kay Samael habang katabi ko si Sevius na panay ang kain ng mansanas.

"Mukhang madadaanan na'tin," maikli niyang sagot kaya napasimangot ako, gusto ko pa sana siyang kausapin at humingi ng permiso na dalawin ang mga magulang at kapatid ko ngunit mukhang ayaw niya makipag-usap sa'kin.

Napabuntong hininga na lang ako at sumalumbaba sabay tingin sa labas ng bintana. Sa pagtulala ko sa tanawin sa labas ay isa-isa na namang naglalabasan ang mga tanong sa utak ko.

Na kanino ang kamay na nakita ko sa dungeon na 'yun? Bakit ganoon ang inaakto ni Hanes? At kung sino ang pagkakatiwalaan ko.

Kahit naman may sekerto na tinatago ang Duke sa'kin ay alam kong mapagkakatiwalaan ko pa rin siya ngunit ang tanong, ako ba pinagkakatiwalaan niya?

"Mom, may pinadala si Sasha na mga meryenda pwede ba kong kumuha ng isa?" Tanong niya at agad naman akong tumango saka inabot ang basket na nasa gilid ko na maraming laman na pagkain.

"Sevius, hindi ba't masyado ka na ata kumakain nang marami ngayon?" Tanong ni Samael sa anak at doon ko lang na pansin na tumatakaw nga si Sevius sa pagkain hindi katulad noon na sobra niyang nililimitahan ang kaniyang sarili.

"Magte-training naman ako bukas ng umaga," sagot niya sa ama niya at ang ibig sabihin lang noon na pwede siya kumain nang matatamis na pagkain kapalit ng pag-eensayo niya araw-araw.

Ayos na rin iyon para naman hindi siya lumaking sakitin kung puro matatamis ang kinakain niya kaya inabutan ko siya ng isang sandwich na puno ng gulay at karne.

"Iyan kainin mo 'yan para hindi ka rin agad magutom kung mag-iikot tayo sa'ting pupuntahan," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya sabay kain ng inabot kong pagkain.

Hindi ko maiwasan mapatitig kay Sevius habang masaya niyang kinakain ang pagkain niya at na iipon ito sa malambot niyang pisngi.

"Hu? Bakit Mom?" Tanong niya sa'kin at umiling lang ako.

"Wala lang, nakakatuwa ka lang tignan hehe," sagot ko at parang na hiya siya saka iniwas ang mukha niya sa'kin sabay ubos ng kaniyang pagkain.

Panay ang asaran namin sa loob ng karwahe habang ito naman si Samael ay walang pakialam sa'min at binabasa lang ang hawak niyang diyaryo.

Kanina pa siya tahimik sa hindi ko malaman na dahilan, simula nang sumakay kami sa loob ng karwahe ay tipid niya na kong kinakausap na tila ba may ayaw siyang sabihin o ipaalam sa'kin.

Kaya medyo naghihinala ako at napataas ang kilay ko sa kaniya habang siya naman ngayon ang tinititigan ko.

"Samael," tawag ko sa kaniya matapos ko kulitin si Sevius na ngayon ay iritable na.

"Oh?" Maikli niyang tanong kaya lalo akong napikon.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya at agad niyang tinakpan ang mukha niya ng diyaryong hawak niya.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Where stories live. Discover now