♕CHAPTER 20♕

3.1K 98 2
                                    

SAMAEL's POV

♕♕♕

"Mahal na Duke, kailangan niyo na pong tapusin ang trabaho niyo dahil kailangan na na'tin maipadala ang impormasyon na 'yan sa Harridan Estate," rinig kong tawag sa'kin ni Hanes habang nakatulala ako sa dalawang tao sa hardin. Naglalaro sila at mukhang nagkaayos na rin silang dalawa matapos ang isang linggo na hindi pagpapansinan.

"Your grace, kanina pa po kayo nakatulala riyan," muling sabi ni Hanes at napangiti ako ng bahagya nang makita kong hinahabol ni Lucia si Sevius sa kung saan at 'to namang anak ko ay nagpapanggap na mabagal siyang tumakbo.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko sila habang naglalaro sa arawan, kailan kaya ako makakasali sa masaya nilang mga tawanan?

Parang gusto ko umalis sa opisina na 'to at puntahan silang dalawa para sumali sa kasiyahan nila.

"Pero parang mas masaya kung may isa pang batang hahabol sa kanila, isang batang babae na kamukha ni Lucia," banggit ko at napaubo si Hanes.

"Ehem, your grace, gusto niyo bang ako na lang ang mag-ayos ng mga dokumento ito at lumabas muna kayo para makipag-usap sa inyong mag-ina?" Tanong ni Hanes at bigla akong napalingon sa kaniya habang siya naman ay ngiting-ngiti sa harap ko.

"Ganun ba kahalata na nais kong puntahan ang mag-ina ko?" Inosente kong tanong sa kaniya at tumango naman siya sabay ngiti ulit sa'king harapan.

"Yes your grace, kanina pa po kayo nakatanaw sa kanila at bukang bibig niyong gusto niyo ng pangalawang anak sa Duchess," paliwanag ni Hanes na kinagulat ko dahil hindi ko alam na kusa ko na pala itong sinasabi sa kaniyang harapan nang hindi ko na mamalayan.

"Ah, ehem," na ubo ako at hindi alam bakit nahihiya ako sa harap ni Hanes, ito ang unang pagkakataon na nahihiya ako sa kinikilos ko sa harap ng ibang tao.

"Sige na po your grace, ako na rin ang maghuhulog ng liham niyo para sa Duke ng Harridan sa Goldton Empire," paliwanag niya sa'kin at isa-isa nang kinukuha ang mga gamit na nasa ibabaw ng aking lamesa.

Naglakad na siya palabas ng pintuan habang bitbit lahat ng mga dokumento na dapat ako ang tatapos at magpapasa.

Napabuntong hininga na lang ako at nasapo ang aking ulo sabay hindi mapigilan na silipin ang mag-ina ko.

Agad akong tumayo at kusa na lang lumakad ang mga paa ko pababa ng manor papunta sa hardin kung na saan silang dalawa na masayang naglalaro

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa kanila at pinagmasdan muna ang mga tawanan nila.

Sa unang pagkakataon, nakita ko ang aking anak na masayang tumatawa na para bang wala siyang ibang iniintindi sa mundo.

Naniningkit ang kaniyang mga mata habang tuwang-tuwa sa habulan nilang dalawa ni Lucia, pareho silang pawisan pero hindi mo naman matatanggal ang mga tingin mo sa kanilang masasayang mukha.

Habang si Lucia naman ay suot ang kaniyang mahabang dilaw na bistida na humahalo sa kulay nang nagkalat na mga bulaklak sa hardin.

Tuwing tumatakbo siya ay dinadala ng hangin ang kaniyang mahabang buhok na kulay tyokolate.

Para ba itong sumasayaw sa hangin habang maririnig mo naman ang kanilang tawanan na mala musika sa'king tenga.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon