♕EPILOGUE♕

4.8K 161 34
                                    

♕♕♕

Binuklat ko ang isang kwaderno at kinuha ang panulat saka inisip ang mga bagay na nais kong ilathala rito.

Napatingin ako sa mga taon na nakalista at ang pangyayari na naganap sa taon din na ito.

Unang taon na napunta kami rito sa Goldton Empire, sa loob ng anim na buwan ay naging misirable ang buong pagtira ko rito.

Dala ko ang dalawang anak ko at ilang buwan na lang din ay isisilang ko na ang bunso namin, sa mga panahon na 'yun ay tandang-tanda ko kung pano ako hindi makatulog sa gabi tuwing inaalala ko si Samael.

Sa mga nagdaan na araw ay nakakatanggap ako ng liham sa kaniya at sa proseso na nangyayari sa loob ng gera, sa anim na buwan din na 'yun ay dumating sila Sasha at Rosana kasama ang iba pang pinagkakatiwalaan ni Samael na kasambahay sa Istvan para sila mismo ang mag-alaga sa'kin sa aking panganganak.

At nung dumating ang kabuwanan ko ay halos lamunin ako ng takot dahil sa manganganak ako nang hindi ko kasama ang asawa ko sa aking tabi. Iniisip ko pa lang kung ano ang mga maaari mangyari sa'kin habang pinapanganak ko ang bunso namin ay talagang nakakatakot.

Buti na lang at nasa Goldton Empire rin ang aking mga magulang at kapatid na gumagabay sa'kin at binibigyan ako ng lakas para lumaban.

Maayos kong na isilang ang aming anak na pinangalanan kong Silvia, pangalan na hindi man lang namin na pag-usapan ni Samael at ako lang ang nag-isip ngunit salamat na rin kay Sevius dahil kahit papano nawawala ang aking lungkot dahil katuwang ko siya at hindi umaalis sa aking tabi.

Kasama si Hanes ay si Sevius na rin ang namamalakad sa'min hanggat nasa loob kami ng puder ni Duke Marshall, nung una ako ang tumayong head sa pamilya namin ngunit pagtapos ko manganak ay hindi ko na kayang asikasuhin pa ito kaya naman natuto na agad si Sevius na gampanan ang mga gampanin na dapat ako ang tumatrabaho.

Sinilang ko nang malusog ang anak kong si Silvia, kahawig siya ng kaniyang ama at kuya. Puno rin siya ng pagmamahal galing sa kaniyang mga lolo't lola, sa kaniyang mga matiyuhin, ng mga tao sa Istvan at Harridan at syempre paborito naman talaga siya ng kaniyang kuya Sevius.

Unti-unti nakakabangon ako sa lungkot habang iniintay ko ang pagbalik ni Samael, tuwing linggo rin ay pinapadalhan niya ko ng sulat kaya naman naipapahinga ko ang aking isip sa pag-aalala sa kaniya.

Ngunit nang sumapit ang pangalawang taon, doon na naging impyerno ang buhay ko.

Natigil ang pagdating ng mga sulat galing sa gera at kahit ni isang liham man lang ay wala na talaga akong natatanggap.

Miske ang mga report galing sa kawal ni Duke Marshall ay natigil na rin ang pagdating, tila ba natapos na ang gera sa isang iglap.

Ngunit ang nakakapagtaka, sa taong iyon ay walang ni isang kawal ang umuwi sa Goldton, walang report, walang balita tungkol sa kanino mang Duke. Lahat ay natigil at tila ba nabura.

Sa mga panahon na 'yun ay unti-unti akong kinain ng lungkot ko, panay ang isip ko kung ano na bang nangyayari sa taong mahal ko.

Kung may tao pa ba kong iniintay na dumating o umaasa na lang ako sa panaginip kung saan kami doon nagkikita.

Para akong pinutulan ng liwanag sa buhay at nilamon ng dilim, para akong pinagkaitan ng kasiyahan at hinulog sa kalungkutan.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon