♕CHAPTER 27♕

2.5K 77 1
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Halata sa kaniyang mukha na may nililihim siya sa'kin at may bagay siyang nais aminin ngunit hindi niya magawa ngayon, na nasabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko para sa Duke.

"Anong pumasok sa isip mo anak at na gustuhan mo ang Tyrant na Duke ng Istvan?"  Tanong ng aking ama at hindi ko maiwasan na mapatungo at isipin kung bakit nga ba.

Pagmamahal nga ba na maituturing ang nararamdaman ko o dahil siya ang asawa ko at responsibilidad ko 'to?

Ngunit hindi ko matatanggi na lagi niya pinapabilis ang pagtibok ng puso ko, mapakaba man ito o kilig mula sa mga tingin niya.

Ngunit malaking basihan na ba 'yun para masabi ko sa sarili ko na isang uri nang pagmamahal ang mga pakiramdam na 'yun?

"Lucia, mag-iingat ka at alam mo naman siguro kung sino ang napangasawa mo, alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito ngunit anak nagsisisi ako na ipatapon ka sa sinumpang pamilya na 'yun," paliwanag niya sa'kin at pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko tuwing may naririnig akong masasakit na salita laban kay Samael at Sevius.

"Pero Papa, tumira na ako nang mahigit kalahating taon sa manor nila at wala naman akong dinanas na kahit anong masamang pangyayari sa'kin," paliwanag ko at tumingin siya nang seryoso sa'kin.

"Sigurado ka ba na wala?" Seryoso niyang tanong at doon pumasok sa isip ko ang mga bagay na nakita kong kakaiba sa Istvan at 'yung mga aksidente na nangyari sa'kin sa loob ng kanilang pamilya.

Unang araw ko pa lang sa manor nila ay nakita ko na agad ang aking asawa na may pinagmamalupitan at hinahagupit ng latigo upang umamin sa kaniyang kasalanan, sumunod na araw ay kinasal ako na parang wala lang at pumirma sa papel na magtatali sa'kin sa sitwasyon ko ngayon.

At 'yung unang gabi namin magkasama, may bagay talagang importante nung gabi na 'yun na hindi ko maalala.

Isang tanong na para bang dapat kong katakutan.

"Lucia, bakit ganiyan ang mukha mo, sabihin mo sa'kin kung may problema ba at gagawa ako ng paraan, hihingi ako ng tulong sa Imperial Family," saad ng aking ama na kinagulat ko.

"Kailan pa kayo nagkaroon ng kaugnayan sa Imperial Family?" Tanong ko sa kaniya at bahagya siyang lumapit sa'kin.

"Bago dumating ang liham galing sa Istvan na dadalaw kayo ay pumunta ang crown prince sa Sullen," paliwanag niya gamit ang mahina niyang boses na kinagulat ko.

Anong ginagawa ng crown prince at bakit niya sinadyang pumunta sa Sullen?

"Ano pong sabi niya?" Tanong ko at lalo pang humina ang boses niya.

"Sinabi niya na kung nais mong umalis sa Istvan ay tutulungan ka niya sa abot ng kaniyang makakaya bilang crown prince at hiningi pa ang kamay mo sa'kin para maging crown princess ng emperyo," paliwanag ng aking ama na kinagulat ko.

"Ha? Nasisira na ba ang tuktok niya? Seryoso ba talaga ang crown prince sa mga pinaplano niya?" Iritable kong tanong sa kaniya at nanlaki ang mata ng aking ama.

"Sssh— Lucia, baka may makarinig sayo at maging kalaban mo pa ang royal family dahil sa mga pinagsasabi mo ngayon," sermon sa'kin ng aking ama at napayuko naman ako, hindi ko kasi mapigilan ang inis ko sa crown prince na 'yun.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon