♕CHAPTER 37♕

2.1K 66 5
                                    

SAMAEL's POV

♕♕♕

Paikot-ikot akong naglalakad sa loob ng aking opisina at hindi mapakali sa mga bagay na tumatakbo sa isipan ko.

Hindi ko maiwasan mag-alala hanggat hindi pa sila nakakarating sa Harridan, bawat minuto na hindi ko kasama ang mag-ina ko ay parang binabaliw ako sa pag-aalala.

*BLAG*

"Your highness! Masamang balita!" Biglang pasok ng isang kawal ko at agad na inabot sa'kin ang isang piraso ng papel na dala ng mensaherong ibon.

"Kanino galing ito?" Tanong ko sa kaniya habang pilit kong kinakalma ang aking sarili.

"Sa escort po ng Harridan," pagsagot niya at agad kong binasa ang sulat na aking hawak-hawak.

"Isang oras na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang Duchess at si Sevius sa piyer?" Tanong ko at agad naman siyang tumango, napahawak ako sa aking ulo at agad na inutusan ang kawal na nasa harap ko.

"Lahat ng tao sa loob ng Istvan ay tipunin mo ngayon sa banquet hall, at ni isa sa kanila ay wala kang papalabasin hanggat hindi ako nakakabalik dito sa manor," utos ko sa kaniya at agad naman siyang sumaludo sa aking harapan.

Kinuha ko ang coat ko at ang aking itim na espada saka mabilis na lumabas sa loob ng aking opisina ngunit bigla kaming hinarang ng isa pang kawal na tila hapong-hapo sa pagtakbo niya.

"Your highness, isa na naman pong sulat galing sa escort ng Harridan," pag-aanunsyo nito at hindi ko na talaga pamigilan ang sarili ko na pumunta sa kinaroroonan nila ngayon, na yukom ko ang palad ko at pilit na kinakalma ang sarili ko.

"Basahin mo dalian mo!" Utos ko sa kaniya at nauutal niyang binasa ang laman ng sulat.

"Na-Natagpuan namin ang young lord kasama ng iba pang mga escort nila papunta sa piyer ngunit hindi nila kasama ang Duchess at hindi ito mahanap sa buong lugar." Nang marinig ko ang ulat na iyon ay halos mabunot ko ang espada ko at maputol ang mga ulo ng kasama ko.

"Yo-your grace," pag-awat niya sa'kin at agad kong nilayo ang espada ko sa leeg niya sabay pasok sa lalagyan nito at malalim na bumuntong hininga.

"Bantayan niyo ang Istvan at aalis ako!" Utos ko sa ko sa kanila at agad naman inihanda ng iba ang kabayo ko saka ako pumunta sa banquet hall at kitang-kita ko lahat ng mga katulong at iba pang nagtatrabaho sa loob ng manor.

"Ang Duke," bulungan nila at mukhang pagtataka bakit ko sila tinipon sa loob ng balwarte.

"Isa sa inyo ngayon ang nagdulot sa asawa at anak ko sa kapahamakan, kung sino man ang lumabas sa banquet hall na ito ay ipapaligo ko ang dugo sa buong lugar, ni isa man lang ang umalis sa inyo ay lahat kayong nasa loob ng lugar na 'to ay papatayin ko," Pagbabanta ko at tinignan sila mang seryoso.

Dama ko ang takot nila sa mga salitang binitawan ko at agad din akong umalis sa kanilang harapan saka sumakay sa kabayo at mabilis na nagtungo sa kinaroroonan nila Sevius.

Sa kalahatian ng daan papuntang piyer ay nakasalubong ko ang mga kawal ni Duke Marshall at ang mga bangkay na nakahandusay sa daan.

Pansin kong puro mga kalaban ang wala nang buhay na nakahadusay sa lupa habang isa sa pinakamataas kong kawal ang na walan din ng buhay.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon