♕CHAPTER 14♕

3.2K 105 2
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Ilang linggo na ang nakakalipas nung umamin ako nang nararamdaman ko sa Duke at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang gabing iyon.

Halos lagpas na ang dalawang buwan nung una akong tumuntong sa manor na 'to at hindi ko inakala na makakatagal ako rito.

Sabi nila ang nagtagal lang daw na asawa ng Duke ay ang una nitong asawa at ang ina ni Sevius. Hindi nila alam ang tunay na pagkamatay ng Duchess o kung totoo ba 'yung sinabi ni Sevius tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ina.

Ang pangalawang asawa naman ng Duke ay binalitang nilason daw ngunit hindi mawawala 'yung usap-usapan na ang Duke rin ang pumatay sa pangalawa nitong asawa na halos dalawnag linggo lang nakatagal sa loob ng manor na 'to.

"Madam, ayos lang po ba kayo? Madalas ata kayong natutulala?" Tanong ni Sasha habang sinusuklay ang kulay tyokolate kong buhok na halos lagpas bewang ko na.

"May iniisip lang ako," maikli kong sagot sa kaniya at panay pa rin ang paglalayag ng aking isipan kung bakit ginawa ng Duke iyon sa kaniyang mga na unang asawa at kung bakit balisang-balisa siya nung gabing mahuli niya kong naglalakad sa hardin.

Para bang takot na takot siyang may malaman sa'kin o para bang hinuhuli niya bawat gagawin kong galaw sa loob ng mansyon na 'to.

Isa lang ang alam ko, pinaghihinalaan niya ko sa bagay na hindi ko alam o wala akong kinalaman.

Sa pagkakatanda ko tinanong niya rin ako nang mga kakaibang bagay nung unang gabi namin bilang mag-asawa, pero ang hindi ko malaman ay bakit tila burado ang mga impormasyon na 'yun sa utak ko.

Na para bang iyong bagay na 'yun lang ang hindi ko matandaan.

"Hays," napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa harap ng salamin.

Ngayong araw ay nakatanggap kami ng imbitasyon galing sa Imperial Palace, may gaganapin daw na banquet para sa kaarawan ng crown prince at kahit ayaw pumunta ni Samael sa pagtitipon na 'yun ay wala kaming ibang magagawa dahil utos ito galing sa royal family.

"Madam, nais niyo bang pumunta sa Central para mamili ng damit niyo sa gaganapin na kaarawan ng crown prince? O baka gusto niyong magpapunta na lang nang kilalang mananahi sa buong empire para gawan kayo ng damit?" Tanong ni Sasha at napaisip naman ako.

"Kasama ba ko doon?" Tanong ko sa kaniya at nanlaki lang ang kaniyang mata sabay tango.

"Syempre naman madam, isa pa parang ito na rin ang magaganapin na debut niyo sa high society, marami kayong makikilala na mga matataas at makapangyarihan na tao sa gaganapin na banquet, ito na rin ang pagkakataon para makabuo kayo ng alyansa sa ibang pamilya sa loob ng empire," paliwanag ni Sasha at sang-ayon naman ako sa kaniyang mungkahi.

Kaso para sa'kin isang magulong lugar ang high society, sobrang daming makapangyarihang tao na titingin sayo at huhusga sayo. Isang maling galaw mo lang ay titignan ka na nila nang masama at kakaiba.

Ganun ang ginawa nila sa'king ama, bilang isang Baron na may hawak ng maliit na sakahan at lupain ay madalas siyang minamata ng mga tao dahil sa ranggo niya.

Isang beses lang kami na imbitahan sa mga prehisteryosong pagtitipon na katulad nito at nung dumalo kami ay katakot-takot na pang mamata naman ang ginawa nila saming pamilya.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Where stories live. Discover now