♕CHAPTER 19♕

2.8K 116 1
                                    

SEVIUS's POV

♕♕♕

Naglalakad ako papunta sa garden nang gabing iyon para bigyan ng oras si Mom makipag-usap sa iba pang noble woman, kahit na ayoko siya iwan ay wala akong magawa dahil iyon na ang pagkakataon niyang makakuha ng mga kaalyansa niya.

Habang naglalakad ako papunta sa hardin ay nakita ko ang mga batang anak ng iba pang aristocrats. Balak ko sana na pumirme na lang sa gilid at panoorin sila dahil kilala ko ang mga batang 'to at ayoko silang makalaro.

Mas gugustuhin ko pang makalaro ang mga katulong sa Itsvan Estate at si Hanes kesa sa mga batang 'to na walang ginawa kung hindi umasa at kumapit sa kapangyarihan ng mga magulang nila.

Pagpasok ko pa lang sa indoor garden ng palasyo ay tumahimik na agad sila pagtapos nila akong makita na naglalakad patungo sa pwesto nila.

"Hu? Ang young Duke ba 'yun ng Istvan??" Tanong ng iba sa kanila at panay ang bulungan sa pagdating ko.

Patuloy lang ako naglakad papasok at humanap ng mauupuan habang nag-iintay ng oras kung kailan tutugtog ang musika para maisaway ko si Mom. Napangiti ako bahagya dahil iniisip ko pa lang na isasayaw ko siya at matatapakan ko ang paa niya ay natutuwa na ko.

"Anong ginagawa ng isang halimaw sa lugar na 'to?" Tanong ni Edward anak ni Madam Sarah. Hindi ko 'to pinansin at patuloy na naglakad kung na saan ang isang mahabang upuan.

"Bawal kang pumunta rito, baka saktan mo rin kami katulad ng ginawa mo noon sa anak ni Baron Kazar!" Sigaw naman ng anak ni Duchess Rubina, hindi ko tanda ang mga pangalan nila kaya hindi ko na lang sila inintindi at inintay na lang ang oras para makabalik na ko sa loob ng banquet.

"Hoy! Hindi porque anak ka ng Duke ay magmamataas ka na sa'min!" Sigaw nito sabay kuha sa kwelyo ko at tinignan ako nang masama.

Tinitigan ko rin siya nang masama at malakas na hinablot ang kamay niya para maalis 'to sa pagkakahawak sa kwelyo ko.

"Ano bang problema niyo? Para namang sa inyo ang parte ng palasyo na 'to," sagot ko sa kanila at nakita ko silang umangil sa'kin at mukhang galit na galit.

Hindi ko na lang sila pinansin at muling bumalik sa pagkakaupo ko, kailangan hindi ako gumawa ng kahit ano mang gulo ngayon kung hindi, hindi lang si Samael ang mapapahiya kung hindi pati si Mom.

"Kung hindi ka naman makikipaglaro sa'min o uupo ka lang d'yan sa sulok edi humanap ka na lang ng ibang lugar," utos niya sa'kin at napabuntong hininga ako sabay hilis nang tingin sa kaniya dahil sinasayang ko lang ang oras ko para kausapin ang mga reklamador na 'to.

Hindi kasi ako pwede pumunta sa ibang lugar dahil baka mamaya ay puntahan ako ni Mom dito at magtaka kung bakit hindi ako nakikipaglaro sa kanila.

Alam kong mag-aalala si Mom at baka kulitin niya pa ko na makipaglaro sa mga batang 'to na halata naman na ayaw sa'kin.

"Tsk, ano kayang nakita sayo ng bagong Duchess Lucia?" Tanong ni Edward at napalingon ako sa kaniya.

Bakit kailangan niyang banggitin ang pangalan ng nanay ko?

"Hahaha siguro inuuto lang siya ng bagong Duchess kasi alam mo na mamamtay tao ang kaniyang ama," sagot naman ng anak ni Duchess Rubina kaya napaikom ang mga kamao ko at pilit na binubura sa isip ko ang mga bagay na naririnig ko.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon