♕CHAPTER 25♕

2.8K 76 4
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Nagising ako sa isang malambot na kama habang yakap-yakap ako ni Sevius na mahimbing ding natutulog samantalang si Samael naman ay nakaharap sa'kin at nakasalumbaba habang nakatitig sa'king mukha.

Bahagya akong na gulat nang magtama ang mga mata namin sa isa't isa saka siya ngumiti sa harap ko kaya napangiti na rin ako.

Magulo ang kaniyang buhok na halata mong kakagaling lang sa mahimbing niyang pagtulog habang parang binata na sobrang gwapo kung makangiti sa'kin.

Ano ba 'tong lalaki na 'to? Sobrang mapanganib ang mga ngiting pinapakita niya!

"Kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kaniya gamit ang mahina kong boses upang hindi ko magising si Sevius.

Tumango siya at sumagot, "Oo kanina ko pa pinagmamasdan ang mukha mo." Sa sagot niyang iyon ay hindi ko maiwasan mapangiti at kiligin.

Sabi niya sa'kin hindi niya raw kaya na mahalin ako pero bakit ganito siya kung umakto sa harapan ko? Ano ba talaga ang totoo Samael?

"Mabuti pa at tumayo na tayo, baka iniintay na tayo ni Hanes sa mga trabaho na kailangan na'tin gawin," bulong ko sa kaniya at umiling lang siya.

"Hindi, hayaan mong magpahinga ang katawan at isip mo saka hindi ba't ang sarap ng ganitong pakiramdam?" Tanong niya sabay lapit sa'min ni Sevius at niyakap kaming dalawa sa bisig niya.

"Te-teka Samael, baka magising si Sevius," awat ko sa kaniya at tumawa lang siya.

"Hayaan mo siyang maipit d'yan, dahil sa kaniya hindi tayo nakagawa ng bago niyang kapatid," sagot niya na hindi ko alam kung biro ba o totoo dahil ang mukha niya ngayon ay seryosong-seryoso.

"Hmmm, ano ba kasi," pag-ingit ni Sevius kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Samael saka sabay tumawa nang pigil.

Mga ilang minuto pa bago siya tumayo sa kaniyang higaan at naglakad sa paliguan, habol tingin ko siyang sinundan at nilingon niya naman ako bago siya pumasok sa silid.

"Mamaya, mga bandang tanghali pagtapos na'tin ihatid ang crown prince sa kaniyang pag-alis ay may pupuntahan tayo kaya dapat magbihis ka nang magandang damit," saad niya na pinagtaka ko naman ngunit tumango na lang din ako at sumang-ayon sa kaniya.

"Masusunod your grace," sagot ko at ngumisi na lang siya na nagpabilis na naman sa pagtibok ng puso ko.

Bakit ganun ang Duke? Pag ngumingiti siya minsan may pagkapilyo at hindi mo iisipin na isa siyang tyrant dahil doon.

"Kung hindi ko lang siya nakilala bilang isang lalaking masungit at hindi ngumingiti ay baka isipin kong isa siyang babaero," bulong ko at tumigin kay Sevius na mahimbing pa ring natutulog habang nakayakap sa'kin.

Nagkalat sa kaniyang mukha ang iilang hibla ng kaniyang itim na itim na buhok, inayos ko 'to at tinabi sa isang gilid saka ko nakita ang mukha niyang mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Kamukhang-kamukha niya ang Duke at siguro paglaki ni Sevius ay magiging ganun din siya kagwapo sa kaniyang ama.

"Wag ka magiging babaero ha, wag mong gagamitin ang kagwapuhan mo sa pangloloko ng babae," bulong ko sa kaniya sabay halik sa noo niya at nakita kong ngumiti siya habang natutulog at sumagot ng, "Yes Mom," bulong niya at natawa naman ako.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon