♕CHAPTER 30♕

2.5K 80 3
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Mabilis na lumipas ang dalawang araw namin sa Sullen at oras na para bumalik kami sa Itsvan at magtrabaho ulit.

Nung una, ayaw pa umuwi ni Sevius dahil sa hindi niya na raw ulit makikita si Laurio at ang mga kalaro nila, babalik na naman siya sa pag-aaral na kinatatamaran niya ngunit nung pinangako ng Duke na babalik ulit kami rito ay pareho kami ni Sevius na binalot ng saya.

Nagpaalam na kami sa'king pamilya at byumahe ng dalawang oras pabalik sa manor ng Istvan, habang nasa byahe ay hindi magmaliw si Sevius sa kakakwento sa'kin ng mga tinurong laro sa kaniya ni Laurio.

Ngayon ko lang nakitang ganito kadaldal ang batang 'to at hindi na namin namamalayan na nakauwi na pala kami sa manor.

Tinanaw ko sa bintana ang main mansion at nakita ko sila Hanes na nakatayo sa unahan ng main mansion. Kumakaway sila Sasha sa pagdating ko at kumaway rin naman ako sa labas ng bintana.

"Maligayang pagbabalik your grace," bati ni Hanes kay Samael nang makababa ito at inalalayan akong lumabas ng karwahe.

"Kamusta ang Istvan?" Tanong niya at parang balik ulit sa pagiging istrikto at abalang Duke si Samael.

"Ayos naman po, ngunit dalawnag beses na pong nagpapadala ang Harridan ng sulat your grace," saad ni Hanes at tumango naman si Samael.

"Hindi ko na kayo mahahatid sa inyong mga silid, mauuna na ko sa aking opisina kung ayos lang sa inyo?" Tanong niya sa'min ni Sevius at tumango lang ako sa kaniya habang si Sevius naman ay walang pakialam.

"Sige, mag-iingat ka," paalala ko at kahit nais ko muna siyang ayain magpahinga dahil sa haba ng byahe namin ay mukhang kailangan niya nang asikasuhin ang ano mang bagay na nag-aabang sa kaniya sa opisina.

Tumango siya sa harapan namin at naglakad na papasok sa manor pero bago pa kami makahakbang ni Sevius ay bigla siyang bumalik sa harap ko at hinalikan ang noo ko sabay gulo naman sa buhok ni Sevius na kinagulat naming dalawa at lahat ng tao na nakakita.

"Sasalo ako sa inyo mamayang hapunan," sabi niya at ngumiti sa'ming dalawa sabay balik ulit sa paglalakad papuntang opisina niya.

"Grabe ang pinagbago ng Duke," rinig kong bulungan ng mga katulong sa paligid ko ngunit hindi ko na lang 'to inintindi kahit na kinikilig ako.

Pumasok na rin kami ni Sevius sa loob ng main mansion at ako naman dumaretsyo sa kwarto ko para magbihis ng damit na hindi ganong paboloso.

Wala si Hanes ngayon dahil abala silang dalawa ni Samael sa mga trabaho na naiwan niya sa Istvan at si Sevius naman ay bumalik sa kaniyang pag-aaral.

Pumunta ako sa aking opisina at tinignan lahat ng listahan ng mga ginastos nila sa dalawang araw na wala kami, maliit lang naman ito at sakto lang sa kanilang mga pangangailangan.

Habang naglilipat ako ng pahina ay nakita ko ang isang request galing sa mga knight at squire sa East wing ng manor.

Nais nilang tignan ang sira nilang pahingahan at kulang sa mga kagamitan lalo na ang mga wooden sword na kanilang ginagamit sa ensayo.

"Ubos na ba ang dalawang daan na binili ko nitong nakaraang limang buwan?" Tanong ko sa sarili ko at mukhang mabilis nila itong nasisira dahil araw-araw din sila nag-eensayo.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon