♕CHAPTER 18♕

2.8K 92 2
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Nanlalamig ang buo kong katawan habang nakatingin sa'kin si Sevius na para bang nahuli ko siya sa isang malaking kasalanan.

Para siyang natatakot sa ano mang ikikilos o sasabihin ko sa harap niya, nakatingin lang siya sa'kin nang may lungkot sa mga mata at binabalot ng dugo ang mga kamao niya.

"Mahabagin! Edward anak!" Sigaw ng isang ginang at agad naman nitong inalalayan ang anak na nakahandusay sa lupa.

Sunod-sunod na silang nagdatingan sa lugar na 'yun at halos lahat sila ay masamang nakatingin kay Sevius pero wala silang magawa o masabi dahil sa kaharap nila ang Duke ng Istvan.

"Sevius, anong nangyari?" Lakas loob kong tanong sa kaniya at nilapitan siya pero hindi siya umiimik at patuloy na nakayuko.

"Sinuntok po ni Sevius ang anak nila Baronesa Sarah at ng iba pa, naglalaro lang po kami ng taguan," paliwanag ng isang batang babae na nakatayo sa likod ni Sevius, mukhang hindi niya sinaktan ang mga babaeng kalaro niya.

"Sevius, totoo ba 'yun? Sabihin mo sa'kin," malumanay kong tanong sa kaniya at dumura lang siya ng dugo sabay lakad palayo sa eksena.

"Sevius!" Sigaw ng Duke sa kaniya ngunit hindi niya kami pinakinggan at mukhang babalik na sa loob ng karwahe namin.

"Anong gagawin niyo Duke Samael? Na ulit na naman ang pananakit ng inyong anak!" Sigaw ng isang ginang habang yakap-yakap ang kaniyang anak na panay ang iyak.

Siya si Duchess Rubina, isa rin sa higher ranking aristocrats sa Ambrosetti Empire, pinsan makalawa siya ng emperor at malakas ang kapangyarihan nila sa Imperial Family.

Agad akong yumuko sa harap ng ginang upang humingi ng paumanhin.

"Patawarin niyo po sana ang inakto ni Sevius, hanggat andito po ako ay hindi ko hahayaan na maulit ang bagay na 'yun," paghingi ko ng paumanhin dahil alam kong hinding-hindi yuyuko si Samael sa harap ng ibang tao.

"Tsk! Duchess wala kang alam sa kung ano ang totoong pagkatao ng anak-anakan mo kaya kung ako sayo turuan mo siya nang maayos, kung hindi siya hihingi ng patawad sa ginawa niya sa anak ko ay ilalapit ko 'to sa Imperial Family!" Sigaw niya sa harap ko na para bang kulang na lang ay pagbuhatan niya ko ng kamay.

"Isang royal blood ang sinaktan niya! Ipapakulong ko ang batang 'yun o hindi kaya ipapaputol ang isa niyang kamay!" Sigaw ng Duchess sa harap ko at kay Samael pero hindi talaga nagsasalita si Samael na para bang pinag-aaralan pa ang sitwasyon.

Pero hindi ko na maiintay pa ang sagot niya para protektahan ang sarili niyang anak, ayoko at hinding-hindi ko papayagan na masaktan nila si Sevius.

Kaya agad kong tinaas ang dalawang bahagi ng damit ko at lumuhod sa harap niya habang dikit ang mga tuhod ko sa lupa.

"Oh mahabagin!" rinig kong bulungan at pagkagulat ng mga taong nakakakita sa mga kaganapan na ito.

"Lucia! Anong ginagawa mo!" Sigaw ni Samael at pilit akong hinihila patayo ngunit dinikit ko na rin ang ulo ko sa lupa at maiyak-iyak na humingi ng patawad sa Duchess.

"Bilang ina ni Sevius, parang awa niyo na po bigyan niyo pa po siya ng isa pang pagkakataon at hinding-hindi na mauulit ang aksidente na 'to," sabi ko sa harap ni Duchess Rubina at halatang pati siya ay na gulat sa inakto ko.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon