♕CHAPTER 17♕

2.8K 102 3
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Panay ang kwentuhan nila tungkol sa mga bagay na halos hindi ko masundan, para bang pinaupo lang nila ako sa kanilang tabi para makinig sa kanilang mga usapan.

"Pero hindi ko talaga akalain na mapapaamo mo ang Istvan, Duchess Lucia," biglang banggit ni Countess Emely sa harap ng mga iba pang aristocrats.

"Totoo Duchess, alam mo naman siguro na Tyrant ang napangasawa mo at ang anak naman niya ay hindi nalalayo sa ugali ng kaniyang ama," usapan nila at halos sang-ayon sila sa bawat isa, para bang tinawag lang nila ako rito para pag-usapan ang buhay namin nila Samael at Sevius.

"Totoo bang kabayaran ka lang sa utang ng inyong pamilya? O baka naman gusto ka talaga ng Duke?" Tanong ni Countess Emely at hindi ko naman alam kung ano ang tamang salita na bibitawan ko sa harap nila.

'Yung tipong para nila akong hinuhuli sa sekreto ko sa pamamagitan ng mga inosente nilang pagtatanong sa harapan ko.

"Dowry ang binigay ng Duke sa aking ama kapalit ng pagpayag niya sa'ming pagpapakasal, totoong matagal na kami nagmamahal ng Duke at hindi ako kabayaran sa utang ng Sullen," paliwanag ko sa kanila at nagkunware na natutuwa sa pagkukwento ko ng kasinungalingan.

Pansin kong na gulat sila at para bang na gustuhan nila ang sagot ko, bigla silang bumait sa'kin at imbes na ako ang kumuha ng loob nila mukhang sila pa ang nais pumabor sa'kin.

Hindi kaya nais nila ako kaibiganin para makakuha ng tulong sa pamilya ng Istvan?

"Pero maiba ako your grace, buti nakayanan mong alagaan ang anak ng Duke? Hindi mo ba naiisip na hindi mo naman kadugo ang bata iyon?" Tanong ng isa pang ginang habang nakatakip ang kaniyang bibig ng hawak niyang pamaypay.

Para bang tinatago ang tunay na ekpresyon ng kaniyang mukha.

"Tama siya your grace, bata ka pa at ganun din ang Duke, hindi mo ba naiisipan na magkaanak at ang anak mo ang magmana ng Istvan hindi ang unang anak ng Duke sa una nitong asawa?" Tanong nila na nagpapagulo sa isip ko, hindi pumasok sa utak ko ang ideya na iyon dahil nais kong si Sevius ang magmana ng Istvan at hindi ko rin naisip na nais ng Duke na magkaanak pa sa'kin.

"Ipagpaumanhin mo sana ang tanong ko Duchess Lucia, ngunit alam mo bang muntikan na makapatay ang bata na 'yun noon?" Tanong ng isa pang ginang na nagbigay nang panlalamig sa mga palad ko.

"Si Sevius po?" Tanong ko at tumango sila, nagbago ang pakiramdam sa paligid ng circle namin na para bang binabalot ito ng takot at pangamba.

"Yes your grace, tanda ko anak ni Baron Kazar ang batang itinulak ni young lord Sevius sa isang lawa na nasa likod ng hardin, sa lalim ng lawa ay muntikan na malunod ang bata at bawian ng buhay," kwento nila at hindi ko maiwasan maiyukom nang todo ang mga palad ko sa ilalim ng lamesa.

Magagawa ba talaga ni Sevius ang bagay na 'yun?

"Siguro ay hindi niya naman 'to sinasadya," sagot ko at pagdepensa kay Sevius ngunit para bang lalong nanlamig ang mga tingin nila sa'kin.

"Naku your grace, kung nakita niyo lang ang anak ni Baron Kazar ay baka manlamig kayo sa takot at hindi na mahawakan ang kamay ng batang iyon, puno ng suntok ang mukha ng bata at halos hindi mo na 'to mamukhaan dahil sa pamamaga," kwento nila at napayuko ako.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon