KABANATA 1

1.2K 28 0
                                    

Kabanata 1

Man

--

"Mina, let's go!" Inakbayan ako ng nakangiting si Luna, kaibigan ko.

Katatapos lang ng klase ko at pauwi na ako. I already texted our driver. Kaya lang naabutan ako ng kaibigan kong ito. Alam ko na agad kung ano ang tinutukoy niya.

Mauuna na akong umuwi kay ate Johan dahil manonood pa siya ng basketball practice. Hindi ko alam kung anong nakaka interes roon at gustong gusto niyang nanonood. Ilang araw na siyang nanonood ng practice. Basketball player yata ang boyfriend niya ngayon. Payag naman siyang magpaiwan, magtetext nalang daw ulit siya sa driver.

"Marami pa akong kailangang gawin, Luna. Hindi ako makakasama..." sabi ko habang inaayos ang mga dala kong libro.

"Sandali lang naman tayo. Tsaka nasa school ko si Elizabeth, magkikita kayo roon!"

"Bakit naman siya nandoon?" Kunot noo kong tanong at tumingin sa kanya.

Nandito siya sa school ko para isama ako sa birthday daw ni Yena, kaibigan niya at kaibigan ko na rin pero hindi ko gaano ka-close. I don't want to go because I'm tired and I just want to lie down on my bed and go to sleep. Hindi pa ako nakaka recover sa lahat ng nangyari nitong nakaraang linggo.

Masakit pa rin sa akin ang lahat. Hindi ko pa rin matanggap ang pag iwan sa akin ni Sebastian. Pero kailangan kong magpatuloy. Alam ko rin na hindi niya magugustuhan kung iiyak lang ako nang iiyak. Alam kong gusto niya ring maging maayos ako at magpatuloy sa buhay ko noong mga panahong hindi pa siya dumadating. Noong mga panahong masaya lang ako, walang problema at walang nararamdamang sakit.

Alam ng parents ko ang nangyari at alam rin nilang sinisisi ako ng mga Hidalgo sa pagkamatay niya. Humingi na kami ng tawad sa kanila pero sadyang galit na galit ang Mama ni Seb. Hindi niya ako kayang patawarin at masakit sa akin iyon.

To know that his mother hates me so much is very painful to me.

"May mga kakilala siya roon at mukhang sasama rin siya sa party! Kaya sige na! Halika na," pilit ni Luna.

I sighed. "Kayo nalang. Paki sabi nalang kay Yena happy birthday. Hindi talaga ako makakasama," I said and started walking out of the school.

"Mina naman! Sumama ka na. Minsan lang may mga ganito, hindi ka pa ba saaama sa amin?"

"I'm tired, Luna."

She sighed. "Mina... alam kong hindi mo pa rin nakakalimutan ang nangyari. Pero hindi ba magandang pagkakataon ito para makalimot? Mag enjoy ka! Sumama ka sa amin. Makihalubilo ka ulit sa mga kaibigan natin."

Tinignan ko siya. She smiled. I know she just wants me to be okay. But I really feel like I can't. At kapag pinilit ko ngayon ang sarili ko, mas lalo lang akong mawawalan ng gana and they might just be worried about me, masira ko pa ang party ni Yena. Kaya mas mabuting magpahinga nalang ako sa bahay.

But she was also right that this is a good opportunity to forget. Sandali akong nag isip. Ilang linggo na ang nakalipas simula nang namatay si Sebastian. At sa loob ng mga linggong iyon ay nasa bahay lang ako, nasa kwarto lang, kung lumalabas man ay sa school lang. Hindi na ako masyadong nakakasama sa mga pinsan ko tuwing weekend at ganon na rin sa mga kaibigan ko.

I signed. Siguro magandang pagkakataon nga ito?

I smiled and nodded. "Sige na nga..."

Luna smiled at what I said. "Let's go!"

Magkaiba kami ng school ni Luna. I only met him because of my parents. Magkaibigan kasi ang parents ko at ang parents niya. Palagi kaming nagkikita sa mga gatherings at party ng pamilya kaya naman madalas na kaming nagkakausap. At ngayon naging magkaibigan na rin kami. Marami siyang kaibigan at lahat ng iyon pinakilala niya sa akin. Pero sa kanya lang talaga ako naging close. I like her better than her other friends.

Hindi sa mapili ako sa mga kaibigan. Siguro sa kanilang lahat, si Luna lang ang nakakaintindi sa akin. Madalas rin kaming makasundo sa maraming bagay. Ang ibang mga kaibigan niya ay puro party lang ang gusto at maaarte. It's not that I'm rude, I just don't like them.

"Hi, Michelle!" Ang mga kaibigan ni Luna nang nakarating kami sa school niya.

Susunduin namin sila kaya kami pumunta rito tapos dederetso na kami sa bahay ni Yena. Hindi naman ganon kagarbo ang party at kakain lang kami kaya hindi na kami nag abalang magbihis. Naka uniform lang kaming lahat.

I also saw Elizabeth in their group. Nang nakita niya ako'y ngumiti siya at nagpaalam sa mga kasama niya. Nagtungo siya sa akin.

"Finally! You're gonna come with us?" Inakbayan niya ako at nagtaas siya ng isang kilay.

Pinsan ko si Eli. She's beautiful and kind. I have three cousins. And of the three of them, including my sister, hindi ko man siya napagsasabihan ng mga problema ko hindi tulad nina ate, Issa at Lorie, masasabi kong mabait naman siya sa akin. May pagka maarte siya at masungit rin pero hindi ko matandaang nag away kami. Sila ni Issa ang palaging nag aaway.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Humiyaw sila sa pagtango ko at nagyaya nang umalis. Mas lalo akong napangiti. Maybe it would be better for me to socialize with my friends again. It will help me.

"Wait!" Nahinto ako nang huminto si Eli dahil naka akbay pa rin siya sa akin.

Nahinto rin ang iba at napatingin sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"I left my wallet, oh my gosh! Sa cr! Babalikan ko lang!" Anya at agad na tumakbo pabalik.

Pinanood namin siyang pumasok ulit sa school. We are already at the gate and already outside. We laughed and just waited for her. Sumandal ako sa pader sa tabi ng gate habang nag uusap sa kung saan ang mga kaibigan ko. Lumapit sa akin si Luna at ngumiti.

"I told you... ngiti na," hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinilit akong ngumiti.

Natawa ako ng bahagya at inalis ang kanyang mga kamay. Tumawa rin siya at tumabi sa akin, sumandal rin siya sa pader.

The wind blew my half ponytailed hair and at the same time a man came out of the gate and he passed in front of us. Parang tumigil sa pagtibok ang aking puso at nasundan ko siya ng tingin. Napa ayos ako sa pagkakatayo. My lips parted.

"Luna..." natawag ko ang aking kaibigan.

"Hmm?" Tumingin siya sa akin, mukhang hindi niya napansin iyong lalaki.

Hindi ako nakapag salita. Nanatili ang paningin ko sa lalaking papasakay na ngayon sa isang itim na SUV, mukhang sundo niya iyon. Napatingin si Luna sa tinitignan ko pero nakapasok na ang lalaki sa loob! Nagtataka siyang tumingin ulit sa akin.

"Why? Who is that?" She asked.

Hindi ko siya sinagot. Walang kasing bilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali... Hindi pwede! Sigurado ako roon... Sigurado ako roon!

That man... that's Sebastian!

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora