KABANATA 16

535 17 0
                                    

Kabanata 16

Kahihiyan

--

Days passed and ganon pa rin ang ayos namin ni Lee. Pumupunta ako sa school niya tuwing uwian at hinihintay niya lang ako. Doon kami lagi sa table namin at nagkukwentuhan. Kapag may gusto akong pag aralan na cupcakes ay sa kanya ko una pinapa tikim. Palagi niya namang sinasabi na masarap ang mga iyon kaya tuwang tuwa ako.

"Lorie!" iritado kong sigaw.

Ang loko loko kong pinsan ay humagalpak lang sa tawa at naupo sa sofa. Inis na inis ko siyang tinitigan, getting more and more irritated with each second she laughed. Nandito kami ulit sa bahay nina Eli. Gustong gusto kong manalo sa chess ngayong araw pero nang malapit na siyang matalo bigla niya nalang ginulo lahat! Ngayon wala nang panalo sa aming dalawa!

Humalakhak si Ate Johan na nasa gilid habang hawak hawak ang kanyang gitara. Si Issa at Eli ay nagkukwentuhan sa lapag kung saan may carpet, kumakain sila ng cookies na nasa lamesita ngunit nakitawa rin sa amin.

"I'm sorry! Hindi na mauulit," tumatawa pa ring ani Lorie.

"Anong problema mo? Bakit mo ginulo? Dahil matatalo ka na?" iritado ko pa ring tanong.

"Hindi naman kasi ako kailanman nanalo sa chess na iyan! Ayaw mo akong turuan..." ngumuso siya.

Iritado ko siyang inirapan at inayos nalang ang chess. Hay naku! Bahala na nga. Mananalo naman ako panigurado sa apat na nandito kaya mas mabuti pang hayaan ko nalang ang isa kong baliw na pinsan.

"Busy kasi siya," Ate Johan said, still strumming her guitar.

"Busy saan?"

"Sa boyfriend niya sa Lacosta University!"

My eyes widened at what Ate said. "Ate! Wala akong boyfriend!"

"Ah..." Lorie turned to me with a smirk on her lips. "Kaya pala..."

"Hindi totoo iyon! S-Si Luna lang ang pinupuntahan ko roon..."

Humalakhak si Ate at tinukso pa ako. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga nalalaman niyang iyan pero hinayaan ko nalang. Wala naman talaga akong boyfriend! Hindi ko naman... boyfriend si Lee. At sigurado akong magugulat sila kapag nakita nila si Lee kaya mas mabuti pang wag ko nalang ipaalam na siya ang pinupuntahan ko roon.

Sa isang linggong nakalipas, kinakamusta pa rin ako ni Mommy tungkol kay Blade. Sinasabi ko nalang na maayos kaming dalawa dahil alam nilang palagi akong pumupunta sa Lacosta University. Pero ang alam nila si Luna lang ang pinupuntahan ko at hindi si Lee o si Blade. Malamang sa malamang mag freak out si Mommy kapag nalaman na si Lee ang pinupuntahan ko roon!

I then wondered... kilala kaya nila si Lee?

I am also always irritated whenever I see Blade at school. Mabuti nalang talaga dito siya nag aral at hindi sa school namin! Because I'm sure my day is always ruined!

Paano ba naman kasi, palagi akong nilalapitan sa tuwing nakikita ako. Palagi pang may ngisi sa labi na para bang may masamang balak sa akin. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa kanya. Maybe because I already knew Mommy wanted him for me. Magtitiis nalang ako!

Naglalakad ako papasok sa school nila Lee nang natigil ako. Janelle and her two friends are there again and immediately looking at me. Naglakad palapit ang nakahalukipkip na si Janelle habang nakataas ang isang kilay. Bahagya akong napa atras dahil sa akin ang punta nila.

"Hindi ka talaga tumitigil sa pagpunta rito, noh?" si Janelle nang nakalapit.

Hindi ako nakapag salita. Bukod sa kabado, naalala ko rin ang ginawa ko sa kanya noong nakaraan. Nasugatan ko siya sa siko at sigurado naman na akong magaling na iyon ngayon pero guilty pa rin ako.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum