KABANATA 21

485 13 0
                                    

Kabanata 21

Thankful

--

"Saan ka ba galing at bakit palagi ka nalang ganitong oras umuuwi?" si Mommy ang sumalubong sa akin pagkauwi ko sa bahay.

Nasa sala sila ni Daddy at nagka-kape. Dad was holding a newspaper while Mommy was doing something on her laptop. Nagulat at kinabahan ako dahil napapansin niya pala ang palagi kong late ng uwi.

Nagpunta ulit ako sa school nila Lee ngayong araw and it was fun again. Palagi naman akong masaya sa tuwing kasama ko siya.

"May pinuntahan lang po kami ni Luna, Mom..." I lied because I'm scrared to tell her about Lee.

"May pinuntahan? Palagi ba kayong lumalabas niyang kaibigan mo?"

"Kylie, hayaan mo na ang anak mo. Malaki na iyan at kailangan rin niyang magsaya kasama ang mga kaibigan," pagtatanggol ni Dad sa akin.

"Alam ko pero sobra naman na yata? At ano nang nangyari sainyo ni Blade? Bakit hindi na kayo lumalabas?"

Kinabahan ako sa tono ni Mommy. Mukhang magagalit na naman siya sa akin. I want to do everything to get rid of her anger towards me pero heto ako at dinadagdagan na naman. Hindi naman ako ganon ka-late umuuwi dahil medyo maliwanag pa sa labas pero alam kong magagalit siya dahil hindi na kami lumalabas ni Blade.

"M-Mom... baka rin po kasi busy siya. Hindi ko na po rin siya nakikita at..."

"Hindi nakikita pero palagi kang nandoon sa school ng kaibigan mo? You said palagi kayong magkasama?"

"Oo nga po pero... hindi ko siya madalas nakikita roon..." palusot ko pa. "Baka maagang umuuwi, Mom..."

"Sasabihan ko si Alana na makipag kita sayo si Blade. You two should try it. It will work!"

"Kylie..." si Dad.

"Why?"

Napabuntong hininga nalang ako sa mga sinasabi ni Mommy. Gusto kong sabihin na ayaw ko sa Blade na iyon pero siguradong magagalit lang siya lalo sa akin at ayokong mangyari iyon. So maybe I should just follow whatever she wants hanggang sa kaya ko nang sabihin ang totoong nararamdaman ko.

"Make sure to agree when Blade asked you out," Mommy said.

"Yes, Mom..." walang magawa kong sinabi.

"Go to your room."

I nodded and said goodbye to Dad before going upstairs. Pagod akong bumuntong hininga at naupo sa kama ko. Binaba ko ang bag ko.

Hindi ko alam kung kailan matatapos itong ginagawa ni Mommy sa akin. I know she's still angry at what happened then and at the shame I did to our family but do I have to be punished like this? Hindi niya ako pinaparusahan pero pakiramdam ko ganon ang nangyayari. Forcing me into something I don’t like, is a punishment for me.

Isang katok ang narinig ko sa aking pintuan sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ng kung ano ano sa notebook na bago kong bili. I am here at my study table. This is the notebook Lee and I bought at the mall.

"Dad?" nasabi ko pagkabukas ko ng pintuan.

My Dad looks tired but he tried to smile. "Can I come in?"

"Of course, Dad," binuksan ko ng malaki ang pintuan.

Pumasok siya at sinarado ko naman ang pinto. Napatingin siya sa study table ko nang napansin na may kalat roon. Madalas kasing malinis ang table ko kaya alam niya agad na meron akong ginagawa kapag may notebook roon.

"You're doing your homeworks?" Daddy asked.

"Ah, no. Tapos ko na pong gawin ang mga assignments ko. Nagsusulat lang po ako sa bago kong notebook," I smiled.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now