KABANATA 14

524 15 3
                                    

Kabanata 14

Annoyed

--

Nagasgas ang siko ni Janelle dahil sa pagtulak ko sa kanya. Pumunta silang clinic ng kanyang mga kaibigan habang si Lee naman ay hindi sumama. Janelle wanted him to come but Lee refused and turned to me. I can't look at them directly. Nakayuko lamang ako sa mga kamay kong magkahawak.

I don’t know what to say or do. I feel like he will scold me for what I did to Janelle. Seryoso pa naman siya at mukhang hindi nagustuhan ang nangyari.

"I-I'm sorry..." mabilis kong sinabi nang lumapit sa akin si Lee, wala na sina Janelle at nagpunta na sa clinic.

I'm guilty and I also want to say sorry to Janelle. Siguro bukas kapag medyo maayos na siya. Mukha kasing galit at nasaktan siya sa ginawa ko. Sino ba namang hindi masasaktan roon. Natatakot akong baka saktan niya rin ako.

Nag angat ako ng tingin kay Lee. His eyes were serious but I could see some concern. Nagulat ako nang hinila niya ako papunta sa batong table at pinaupo roon. He also sat down next to me and faced me.

I still can't look at him. I'm very guilty. Nanginginig pa rin ako sa nangyari.

"What happened?" he asked.

His voice was full of concern. Nag angat ako ng tingin sa kanya at tinitigan siya.

"Are you hurt?" tanong niya sabay hanap ng kung anong sugat sa katawan ko.

"H-Hindi ako nasaktan. Si Janelle ang nasaktan dahil... t-tinulak ko siya..." my voice was trembling.

Tinignan niya ako. Nagbaba muli ako ng tingin sa mga kamay kong magkahawak at bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ko. I'm afraid that he might scold me for what I did and I was also afraid of what happened to Janelle. She was injured because of me and many students saw it. Iniisip na siguro nila na hindi ako mabuting tao. Gaya nalang ng sinabi ni Paula na... mahinhin daw ako pero may tinatago rin palang baho.

Hindi ko sinasadya. I was just carried away by my feelings. I also don't know why I suddenly thought of pushing her to stop her from talking more. Ganito na ako noon pa pero ngayon hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit ko. Ano bang sinabi niya para gawin ko iyon?

Dahil binanggit niya si Seb?

O dahil... sinabi niyang...

"Why did you push her, then?" marahang tanong ni Lee.

I wiped the tears from my cheeks and shook my head. Ayokong malaman niya ang mga sinabi sa akin ni Janelle. Lalo na dahil nabanggit roon si Sebastian. Ayokong maalala ni Lee ang nangyari kay Seb dahil siguradong masasaktan siya.

"Tell me. What did she do to you? Why did you do that?" now he sounds serious.

Napasagot tuloy ako.

Umiling ako. "W-Wala. I-I'm sorry. Hindi ko dapat siya... tinulak..."

He sighed. "Mina, tell me what happened. May sinabi ba siya sayo na hindi maganda? Anong ginawa niya?"

I thought he would get mad at me. Mali ang ginawa ko at close sila ni Janelle kaya akala ko... Pero wala akong balak sabihin sa kanya ang mga sinabi ni Janelle sa akin. Even though I'm annoyed with Janelle, I still don't want to ruin her friendship with Lee. Alam kong naging malapit na sila sa isa't isa base sa nakita ko noong nakaraan. Siguradong magagalit si Lee sa oras na malaman niya na ganon ang mga sinabi ni Janelle, dinamay pa ang kakambal niya.

Lee sighed when he realized I won't say a thing. Hinila niya ako at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. May kaunting luha pa rin sa mga mata ko at doon ko lang nakita ang panlalabo. My heart pounded at what he suddenly did and tears welled up in my eyes.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora