KABANATA 22

473 15 0
                                    

Kabanata 22

Deny

--

"Luna, binalaan na kita tungkol rito," nag aalala kong sinabi sa kaibigan.

We are here at their coffee shop. We agreed to meet because we don't get together that often anymore. Ilang araw na rin kasi ang nakakalipas at kami ni Lee ang palagi nalang magkasama. Sabado ngayon. Magkikita ulit kami pero mamaya pa naman kaya nakipag kita muna ako kay Luna. I'm wearing my v-neck long sleeve dress.

"I know," Luna smirked.

Naka ponytail ang kanyang buhok at bagay na bagay ang damit na suot. She's wearing a sky blue jeans and white off shoulder top. Hindi ko talaga mapigilang mamangha sa fashion niya. Simple lang pero sobrang ganda. Bukod kasi sa maputi, her body is also slim.

"Don't worry about me, Mina. We're just... friends?"

Tinignan ko lang siya, hindi naniniwala sa mga sinasabi niya. She chuckled and shook her head.

"There's nothing going on between us. At alam ko rin naman na pinagkakasundo kayong dalawa."

Umiling ako. "Hindi ko gusto iyon. Soon, tatanggi rin ako roon."

"Iyon naman pala, e. Bakit ayaw mo siya para sa akin?"

"Because he's a playboy, Luna. I already told you that."

Tumawa siya. "Ano ka ba! Ikaw overthinker ka. Wala ngang nangyayari sa aming dalawa. Tsaka bata pa ako, noh. I want to enjoy my life first, hindi iyong magpapakulong agad ako sa isang lalaking paniguradong may batas. Hindi ako magiging malaya."

Tss. Sana nga. Nitong mga nakaraang araw, sa mga balitang natatanggap ko, na palagi na silang magkasama si Blade... tss, sana nga totoo talaga ang mga sinasabi niya ngayon.

"Hi, Michelle..." lumapit sa akin ang grupo nina Gabrielle.

Naghihintay ako ngayon sa loob ng school nila para kay Lee. Marami kasi siyang ginagawa ngayon kaya natagalan. He came to me earlier and asked if I can wait. I said I can so I'm here now and waiting for him. Naiintindihan ko na marami siyang ginagawa.

"Uh, hi," ngumiti ako sa kanila.

"Balita namin kayo na ni Lee," nakahalukipkip na sinabi ni Kaira, blangko ang mukha.

Nagulat ako roon. Kami na ni Lee? What? Kanino naman nila nabalitaan iyon?

"So kayo na talaga? Hindi ka makasagot," dagdag niya.

"Uh... hindi kami. Uhm..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi naman kasi talaga kami kaya gulat ako ngayong ganito ang nabalitaan nila. Saan naman kaya nila nabalitaan iyon? Dahil ba palagi kaming magkasama ni Lee? Sigurado akong iyon lang ang dahilan kasi kilala si Lee rito.

"Don't deny it. You two are always together," Kleah raised an eyebrow.

"Uh, oo palagi kaming magkasama pero--"

"So kayo na talaga? Why are you still denying it, then?" si Kaira.

"Hindi kami, Kaira. Kung ano man ang nabalitaan ninyo, walang katotohanan iyon."

"At inaway mo rin si Janelle. Alam mo bang close na close sila pero nang dahil sayo hindi na siya pinapansin ni Lee?" si Rena, hindi nila pinapansin ang mga sinasabi ko.

"Hindi ko siya inaway. At hindi rin kami ni Lee--"

"We know you're only here because of Sebastian Hidalgo. Dahil kamukha ni Lee si Sebastian. Nandito ka lang dahil magkamukha silang dalawa, hindi ba?" sunod sunod na sinabi ni Gabrielle.

Natigilan ako roon.

"Don't deny it, Michelle. We all know how close you were to Sebastian Hidalgo then at baka nga naging kayo pa. So now that he's dead, you're so hurt and you can't accept it that you're clinging to Lee. Imagining him as Sebastian Hidalgo, right?"

Nagtiim bagang ako at hindi nakasagot. They smirked because of that, happy with my reaction.

"You're playing with him."

"Hindi totoo 'yan," nanginig ang boses ko.

Tumawa sila. "Masyado nang halata para itanggi mo pa, Michelle. Ano kayang mangyayari kapag nalaman ni Lee na si Sebastian lang ang nakikita mo sa kanya?" si Kleah.

"Kawawa ka naman kapag nangyari iyon. Wala ka na ngang Sebastian, mawawalan ka pa ng Leandros..." si Rena at nagtawanan sila.

Nag iinit ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila. Para akong nablangko dahil wala akong mahanap na mga salita.

I have long accepted that they don't like me. And I've known for a long time that they only getting along with me because of Luna and because I am an Agravante. I accepted that because I am used to it. I knew in myself that I wasn’t as active as my cousins, like Luna. Hindi ako ganon kasaya ka-bonding. Mahinhin ako at walang alam so many people don’t enjoy being with me. Tinanggap ko iyon dahil alam kong ganon talaga ako.

But now... do they really have to tell me all this? Why? Because they don't like me? Just because of that? O baka may ibang dahilan?

"Goodluck nalang sayo, Michelle. Sana hindi malaman ni Lee ang totoong tingin mo sa kanya..." nanunuyang sinabi ni Kaira bago sila tumalikod at umalis habang nagtatawanan.

Huminga ako ng malalim at inalis ang kaunting tubig sa mga mata. No. Hindi dapat ako umiyak. Walang magagawa itong pag iyak ko. At sinabi ko nang hindi na ako magpapa apekto sa mga sinasabi ng ibang tao. I promised that to myself. I understand that they don’t like me because of my boring nature, and I also understand that they hate me even more nang tingin nila ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Seb. At ngayon... galit sila dahil nakikita ko lang daw si Seb kay Lee, naiintindihan ko rin iyon.

Inaamin ko... minsan naaalala ko si Seb kay Lee. Hindi ko maiwasan dahil parehong pareho sila. Oo, nakikita ko si Seb sa kanya, pero alam ko ang pagkakaiba...

"Are you okay?" tanong ni Lee nang siguro ay napansin ang kanina ko pang pagkakatulala.

"Mmm? Ah, oo naman..." tumingin ako sa notes ko at muling nagsulat. Natulala na naman pala ako sa kakaisip.

"What's the problem? May nangyari ba?" Lee asked again.

Umiling ako at nag angat ng tingin sa kanya. Sa tuwing nakikita ko nga ang mukha niya, nakikita ko si Seb, naaalala ko si Seb, and it was always like that. Hindi ko na rin alam ang nararamdaman ko. I smiled.

"Wala..."

"You sure?"

Tumango ako. "Napuyat lang ako kagabi. Uh, nagbake kasi ako para kay Ate Johan..." kahit wala naman akong ni-bake. Nag iwas ako ng tingin.

"Mmm..." he nodded. Nagtagal nga lang ang titig niya sa akin.

Ilang sandali ang nakalipas, nagsalita siya ulit.

"Do you want some fishball?"

Okay, calm down, Mina. Sabi mo hindi ka na magpapa apekto sa mga sinasabi ng iba, diba? Bakit ka matamlay ngayon? Bakit ka nagpapaka tulala riyan nang dahil lang sa mga sinabi nina Gabrielle? Don't be affected by those! You are here for Lee so you should just focus on him!

"Sige ba," ngumiti ako.

Lee stared at me for a moment before he laughed. It was as if something was amusing to me because of his reaction.

"So iyon lang pala ang magpapa bago sa mood mo? Gusto mo na talaga ang fishball?"

Ngumuso ako. Heto na naman siya. Hindi nalang ako nagsalita. Tumawa siya at lumapit sa akin para pisilin ang pisngi ko. Hinampas at sinaway ko siya dahil hilig niya talagang gawin 'to! Binitawan niya naman ako pero tumatawa pa rin. I glared at him but he just chuckled and pulled me outside to buy our fishball.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz