KABANATA 30

632 22 0
                                    

Kabanata 30

Married

--

Parang tambol ang puso ko nang naglakad siya palapit. Kilig na kilig sa kanya ang mga babae sa shop ko samantalang ako, hindi mapakali!

Hindi ko inasahan na makikita ko siya. At dito pa talaga sa shop ko! Ilang taon na ang lumipas at inaamin ko, kahit sobrang daming pinagdaanan ng pamilya namin nitong mga nakaraang taon, kahit kailan hindi siya nawala sa isip at puso ko. Sa tuwing matutulog ako pagkatapos ng napaka haba at napaka nakakapagod na araw ko, sa tuwing nag aaral ako, sa tuwing umiiyak ako, sa lahat. Palagi siyang nandoon.

Kaya ngayong nakikita ko siya sa harapan ko, hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makapaniwala. Nananaginip lang ba ako?

"Good evening, Sir. Are you going to buy or magpapa gawa po?" my staff politely asked.

I stepped aside slightly and turned to something else. Kinuha ko ang isang papel roon at nagkunwaring may tinitignan. Ramdam ko ang mariing titig ni Lee sa akin ngunit hindi ako makatingin.

Wala pa ring nagbago sa kanya. His serious and cold eyes were still frightening. Kung makatitig siya para niya akong kakainin ng buhay, hindi tuloy ako makatingin ng deretso. Pero bukod pa do'n, hindi ako makatingin dahil... I'm still very guilty.

Ano na, Michelle Morganna? Diba hinabol habol mo siya noon sa airport? Ang lakas ng loob mo noon kaya bakit ngayon nahihiya ka na? Bakit ngayong nasa harapan mo na siya hindi ka na makapag salita?

"I'm buying," he said.

Halos kilabutan ako sa laki ng kanyang boses. Ngayon ko nalang ulit siya narinig. At masasabi kong mas lalo siyang nag mature. Ang katawan niya, ang boses, ang tangkad, lahat nagmature sa kanya.

"The red velvet cake, please. That one," he pointed to the cake he wanted.

"Okay, Sir..." my staff took that cake and prepared it inside.

Naiwan ako roong mag isa at parang gusto kong mahimatay. Lee was still at the counter, hands in his pockets as he stared straight at me.

Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagkukunwaring may binabasa. Hindi pa rin mapakali ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat kalabog noon sa loob. My hand was also slightly shaking with extreme nervousness! Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng kaba sa buong buhay ko.

Hindi naging maganda ang naging pagkakatapos namin noon. I know he was so angry and hurt so he had the right to leave me alone that day. He also has the right to avoid me and not talk to me anymore. Kaya kahit gusto kong magtampo sa pag iwan niya sa akin nang biglaan, alam kong wala akong karapatan at deserve ko lang ang lahat.

"Here's your cake, Sir," bumalik ang staff ko na nasa box na ang cake na gusto ni Lee.

Nag abot ng pera si Lee galing sa kanyang wallet. He took the cake and looked at me again. Mabilis akong nag iwas ng tingin. Alam ko aircon naman ang buong shop pero bakit ako pinagpapawisan?

"Here's your change, Sir. Thank you, Sir! Come again, Sir!" sunod sunod at natutuwang sinabi ng staff ko.

I watched Lee walk away and exit my shop.  Nang nawala na siya sa paningin ko ay nagbaba ako ng tingin sa papel na kanina ko pa pinagdidiskitahan. Napabuntong hininga ako.

Parang ngayon lang rumehistro sa utak ko ang nangyari. Nakauwi na si Lee galing ibang bansa. Bumili siya sa shop ko at nagkita rin kaming dalawa! Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o malungkot. Masaya dahil sa wakas nandito na siya. At malungkot dahil sa sitwasyon naming dalawa.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now