KABANATA 27

513 11 0
                                    

Kabanata 27

Busy

--

Am I selfish?

Am I bad?

Pakiramdam ko napaka sama kong tao. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng pagkakamaling ginawa ko. Ginamit ko si Lee. Ginamit ko siya. Para lang mapunan ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.

Ang sama sama ko. Sarili ko lang ang inisip ko. Ni hindi ko manlang inisip kung masasaktan ba siya. Kung malulungkot ba siya. Inisip ko lang ang sarili kong nararamdaman. I just thought of my own happiness.

Noong una palang binabalaan na ako ni Luna tungkol dito. At siguro matagal ko nang alam sa sarili ko na gusto ko nga lang makita ang mukha ni Seb kay Lee pero... hindi ko lang magawang aminin dahil takot akong magmukhang masama.

Kahit ang totoo... ako naman talaga ang masama.

Sobrang selfish ko. Sobrang sama ko! Paano ko ito nagawa?

I covered my face with both hands and sobbed. Kagabi pa ako umiiyak pero hindi ko magawang mapagod. I'm very guilty. He didn’t blame me for Seb’s death, he also didn’t want me to blame myself. He's always reminding me that it's not my fault. Ayaw niyang nasasaktan at nalulungkot ako. Pero ngayon... ito lang ang sinukli ko sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

Sobrang sama ko.

Ate Johan hugged me and patted my back. Napunta kami sa dulo ng village kung saan may bangin. Hindi kita ang ibaba dahil maulap. Hindi na namin inalintana ang maduming sahig, umupo kami roon. Dinamayan ako ni Ate sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ko alam ang nararamdaman mo. But I want you to know that I'm just here. Always. Beside you, Mina..." she said.

I just cried on her shoulder. Kahit wala akong sinabi, bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi niya rin naman pinilit pang sabihin kung ano ang problema ko. Sa ngayon gusto ko munang isipin niya na dahil ito sa pagpilit sa akin ni Mommy kay Blade.

Hanggang sa nahanap kami ng mga bodyguards at pinauwi na sa bahay. Wala na kaming nagawa ni Ate at sumama nalang sa kanila. Pagkarating sa bahay ay pinagalitan kami ni Mommy sa study room. Nakayuko lang kaming dalawa ni Ate sa harapan niya, nakikinig, habang nasa likod ang dalawang kamay.

I'm tired. Parang gusto ko nalang humiga at matulog sa kama ko. Kaya wala na akong naging reaksyon sa mga sinasabi ni Mommy. Alam ko namang kapag nagsalita rin ako, hindi siya makikinig at pagagalitan lang kami lalo. Ganon rin sa Ate Johan na para bang pagod na pagod na rin kay Mommy.

Minsan naiisip ko hindi ako naiintindihan ni Mommy. She cared for me but she doesn't understand me. Pero naniniwala pa rin ako na kahit papaano naiintindihan niya ako. Ganito lang siya dahil masyado siyang nag alala sa amin ni Ate.

Malalim akong bumuntong hininga. Wala si Daddy dahil may inasikaso sa kumpanya. Susunod dapat si Mommy pero mukhang hindi na siya matutuloy at babantayan nalang kaming dalawa ni Ate. Wala na rin naman akong balak lumabas sa kwarto ko pero si Ate, hindi ko alam kung gusto pang lumayo.

Too tired and sad, I fell asleep that day. Gabi na ako nagising. Hindi ako nakapag tanghalian dahil ang sabi ni Ate ginigising daw ako pero hindi ako bumabangon. Ayaw kong bumangon at pilit tinutulog ang lahat.

Kinausap kami ni Daddy nang natapos ang dinner. Pinagsabihan niya kami ng mahinahon ni Ate Johan dahil syempre, nakarating na sa kanya ang nangyari kanina. Sinabihan niya kami na wag nang uulitin ang paglayas na ginswa namin kanina at lalo na ang pagpunta sa bangin na iyon. Delikado daw at baka mapahamak pa kami.

Mabuti pa si Daddy... mahinahon kami palaging kinakausap. Pero si Mommy... hindi ko alam.

Monday came and I immediately decided to go to Luna's school. I didn't hesitate anymore. I want to talk to Lee. Napag isip isip ko na ito kagabi at kahit papaano gusto ko ulit humingi ng tawad. At siguro... para maayos na rin ang lahat.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now