KABANATA 38

711 21 1
                                    

Kabanata 38

Crazy

--

Tulala ako habang nagkukulitan ang mga pinsan ko sa table. Hindi ko makalimutan ang nangyari kagabi. Hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni Criselda Hidalgo. Her words are like a knife cutting through my heart. At hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

Alam ko matindi ang galit niya sa akin. Matagal ko nang alam 'yon kaya inasahan ko na ang bagay na 'to. Hindi ko lang akalain na kaya niyang sabihin sa akin ang lahat ng 'yon. Hindi ako makapaniwala na harap harapan niya akong pinagsalitaan ng ganoon.

But I know I just deserves it. Kulang pa nga iyon dahil walang papantay sa sakit na nararamdaman niya. Walang papantay sa sakit na nararamdaman ng isang ina na nawalan ng pinaka mamahal na anak.

Hindi ako makatawa, makangiti o makasabay manlang sa mga pinsan ko. Bahagya lamang akong ngumingiti kapag nagtatawanan sila at minsan pang wala sa sarili dahil sa pagkakatulala.

"Wanna bet?" nakangising tanong ni Ate Johanna kay Lorie. Hindi ko na naman alam kung ano ang pinag uusapan nila.

"Stop that. Walang mangyayari, sinasabi ko sainyo," si Issa.

"Ayaw kasing maniwala nito, e," si Ate kay Lorie.

"Paano ako maniniwala? Ilang beses mo na kayang binalikan ang bwisit na 'yon."

Ate laughed and shook her head as if what Lorie was saying would never happen again. O na para bang nakakatawa lang talaga 'yon.

"Alam mo puro manloloko lang 'yang mga artista na 'yan. Hindi ka dapat nagpapaloko sa mga ganyan," Cassandra said.

"Ayaw makinig. Hayaan na natin 'yan. Wag kang iiyak sa akin kapag niloko ka na naman niyan, ah!" si Lorie.

"Kailan ako umiyak nang dahil do'n, Loreleil?" nagtaas ng isang kilay si Ate.

"That's enough! Let's just eat," Issa said.

"Pero hindi naman yata niya binalikan kailanman ang lalaking 'yon, e. Rumors lang yata?" si Cassandra.

"Rumors? Palagi kaya silang magkasama sa pictures!"

"Gumagawa lang siguro ng kwento ang mga media. Ganyan naman kapag may bagong sumisikat."

Tumatawa lang si Ate sa kanila.

"Mich!" bigla akong inalog ni Cassandra.

"Ha?" napatingin ako sa kanya, nakatulala na naman.

May nginuso siya sa likuran ko kaya agad akong napatingin doon. Nakita kong kapapasok lang ni Lee sa loob ng aking shop at nahanap niya agad ako. Naglakad siya palapit at kinabahan agad ako.

"L-Lee..." napatayo pa ako.

He's wearing his usual working clothes. Wala na naman ang coat at tanging puting longsleeve lang na nakatupi hanggang siko niya.

"Hi. What are you doing?" sinalubong niya ako ng isang halik sa pisngi.

Uminit ang pisngi ko at nahiya agad sa ginawa niya. I looked around and saw almost everyone staring at us! Nagtikhiman ang mga pinsan ko sa likod at nagpatuloy kunwari sa pag uusap kahit alam kong nakikinig.

"A-Ano ka ba..." nahihiya kong bulong kay Lee.

He grinned as he watched my reaction. Nag iwas ako ng tingin at bahagyang lumayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Visiting you. Are you busy?" he asked.

"Hindi naman pero... nandito ang mga pinsan ko kaya..." I couldn't look at him.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now