KABANATA 29

547 21 0
                                    

Kabanata 29

Brown

--

Ang bilis ng mga nangyari. Para lang akong nanaginip. Paggising ko, wala na lahat. Pati ang nararamdaman ko parang nawala. Para akong namanhid... pero hindi pa rin makapaniwala.

Iniwan niya na talaga ako at hindi ko alam kung may balak pa ba siyang bumalik. Hindi manlang ako nakahingi ng tawad sa kanya kahit sa huling pagkakataon nalang. Hindi ko manlang nasabi sa kanya kung gaano ako naging masaya sa tuwing kasama ko siya. Hindi ko manlang nasabi sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Na siya ang gusto ko. Na siya ang mahal ko...

Pinagalitan ako ni Mommy. It got to her that I went to the airport alone. She asked why I went there but I couldn't answer her. Aside from not wanting to say the reason, I also don't want to talk. I am overwhelmed by all that has happened. Parang gusto ko nalang ulit mahiga sa aking kama at magpahinga. Hanggang sa kaya ko na ulit.

Dahil sa totoo lang... pakiramdam ko naubos ako sa mga nagdaang mga araw.

Nakumpirma kong wala na nga talaga si Lee nang nagtungo ako sa school nila at usap usapan na nga ang pag alis niya. Mas lalo akong nawalan ng pag asa. Mas lalo akong nasaktan.

Iniwan niya na nga ako.

Christmas and New Year came. That was probably my saddest holiday. Sinusubukan ko namang sumabay sa mga pinsan ko, sa tawanan nila, sa kwentuhan, pero sa bawat tawa ko, mabilis lang rin akong bumabalik sa dating desposisyon; matamlay at malungkot.

My cousins ​​already know what happened. Hindi sila makapaniwala na ganon ang nangyari. Akala nila hindi kami magkakilala ni Lee at tanging si Seb lang ang gusto ko. Nagulat sila at bahagyang nagtampo na hindi ako nagsabi agad. Pero kalaunan ni-comfort nila ako at sinabing ayos lang iyon. Na pinagdadaanan talaga ng lahat ang ganito.

I'm glad they didn't judge me. Naiintindihan nila na nalito ako at hindi agad nakita ang katotohanan. At dahil doon, dahil naintindihan nila ako, natutunan ko ring intindihin ang sarili ko.

Nagpasukan ulit. College na si Issa at si Ate Johan. Maayos pa rin sana kaya lang... umalis si Lorie.

Kahit papaano maayos naman ang lahat. Normal lang ang lahat sa pamilya namin. Ngunit unti unting nagbago ang lahat ng iyon nang dumating ang isang babaeng nagpagulo sa aming mga isipan.

Cassandra Juarez. That's her name.

She's claiming that she's an Agravante. That she's the daughter of Tita Pauline and Tito Marvino, Nirvanna Elizabeth Agravante.

"This is crazy! Who the heck is that Cassandra?!" iritadong nagpapabalik balik si Eli sa paglalakad sa harapan namin.

"Eli, calm down..." si Ate Johan.

"How can I calm down?! Mukhang gusto pang maniwala ni Lolo sa kanya!"

Maski ako nalilito. Hindi ko rin alam kung sino ang paniniwalaan ko. I also find it crazy at first but when I gradually got to know Cassandra... everything seemed to be getting very serious.

"What's the problem, Lolo?" tanong ni Issa, nasa study room kami ni Tito Marvino.

Wala rito si Eli. She'll freak out when she finds out we're talking about Cassandra again. Kami kami lang ang nandito. Tita Pauline, Tito Marvino, Mommy, Daddy, Tita Alexanna, Tito Rolando, Issa, Ate Johan and me.

"She reminds me of your Lola..." Lolo whispered.

Nakaupo siya sa sofa at bahagyang nakayuko, malalim ang iniisip. Umiling iling siya pagkatapos sabihin iyon.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon