KABANATA 10

637 19 1
                                    

Kabanata 10

Spoiled

--

I continued to go to Lee's school for two days just to see him and talk to him. Tuwang tuwa ako dahil hindi na talaga siya masungit at palagi nalang mabait. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na iyon, palagi na talaga akong pumupunta sa school nila.

Hindi naman siya naiinis sa akin. Palagi lang kaming nakatambay sa bench o kali man sa batong table, gumagawa ng homeworks at nag uusap tungkol sa kung ano ano. And because of that I have learned a lot about him. First of all, he wants to be an architect, he loves to draw and design. He showed me another drawing of his and I was amazed. He's very good. His drawings are so beautiful!

Marunong rin siyang mag basketball pero hindi na daw siya naglalaro noon ngayon dahil mas gusto niya munang unahin ang pag aaral niya. He's so serious about his studies that that's the only place where his attention is really focused and of course I admire him even more because of that.

Marunong siyang magluto pero hindi ko pa natitikman ang mga luto niya. Mahilig siyang magbasa ng libro. Kapag wala siyang assignment at ako meron, nasa tabi ko lang siya at nagbabasa ng libro habang ako gumagawa ng homeworks ko.

Nakakatuwa. Parang panaginip lang ang lahat. He used to be very angry with me but now we are getting a little closer. I'm so happy. Wala na yatang makakapantay sa saya na nararamdaman ko.

"Ayan!" nakangiting sinabi ni Luna nang natapos namin ang project niya.

Sa arts iyon at kailangan magdrawing ng kahit ano tapos lalagyan ng gliters. Bulaklak ang sa kanya. Tinulungan ko siya dahil sabado naman at nandito kami sa bahay nila. Mamaya pa naman kami pupuntang magpipinsan sa bahay nila Lorie, syempre magkikita kita na naman kami.

"Thank you talaga, Mina. Kung hindi dahil sayo baka hindi ko pa to natapos!" si Luna at muling tinignan ang project niya.

Ngumiti ako. Madali lang naman ang project nila, sadyang tamad lang siya. Kailangan pang nandito ako para lang matapos niya. Napailing ako.

Tinabi niya sa kanyang study table ang gawa namin at umupo sa kama sa tabi ko. Niligpit namin ang mga kalat at pagkatapos noon ay muli kaming naupo sa kanyang kama.

Mayaman sila Luna. Halos kasing yaman lang rin namin ang mga Valdez. But of all the rich people I met, she was the only one who was humble. Hindi siya kailanman nagmayabang na mayaman siya. Minsan lang kung magsuot ng damit na magaganda at syempre, mabait at simple lang. Kaya nga siya lang ang nagustuhan ko sa lahat ng nakilala kong anak ng mga kaibigan ng parents ko. Dahil siya lang ang nakakaintindi at nakakasabay sa mga trip ko. We have the same vibes.

"May lakad kayo ng mga pinsan mo ngayon?" Luna asked.

"Yup. Sa bahay kami nina Lorie at Issa."

Tumango siya.

"Why? Gusto mong sumama?"

Nagpapacute siyang ngumiti sa akin. "Can I?"

"Of course," natatawa kong sambit. "Kilala ka naman ni ate at ng iba ko pang pinsan."

"Pero baka sungitan ako ni Elizabeth, ah? Nag away pa naman sila nina Gabrielle kaya baka galit na rin sa akin iyon."

"Nag away?" gulat kong tanong.

"Oo! Kilala mo naman ang pinsan mo. Palagi namang may kaaway iyon," umirap siya.

Hindi ako nakasagot. Tama naman siya na palagi ngang may kaaway si Eli kaya dapat hindi na ako nagugulat. I sighed.

"Hindi ka naman siguro susungitan noon. Ako ang bahala," ngumiti ako sa kanya.

"Really?"

Tumango ako.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now